Epilogue

2.3K 67 3
                                    

Hello! Salamat sa pagbabasa mula chapter 1 Hanggang sa pagwawakas netong story nila Nic at Kezia, magulo ang isturya pero binasa niyo padin itong story. Bitin at matagal akong mag-update minsan. Salamat ulit! Magkita nalang tayo sa Dumped by Mr. Playboy!


Epilogue

"I'm sorry, apo. I just did it because Kezia were too young back then, alam kong wala akong karapatang magdesisyon para sa kaniya, pero gusto kong makapagtapos muna siya sa kaniyang pag-aaral, I wanted her to fulfill her dreams."




Alam kong para sa lahat ay masamang tao si Lola Purple, pero hindi, sa lahat ng gagawin niya, lahat ng iyon may dahilan at para sa nakabubuti ng lahat, I'm not saying thiz because I am her family but because it's the Truth.




Pero kahit na alam ko na ngayon ang rason niya kung bakit niya tinago ang mga anak namin ni Kezia ay hindi ko parin maalis ang galit ko. Kung sana hindi niya tinago ang mga anak namin, ay baka nakasama pa nila Nesh at Nianne si Kezia.




"I don't know Lola... it's just been One year." Mahina kong sabi.




Malungkot na ngumiti si Lola Purple sa akin. "I'm sorry again, apo. I know it's hard to understand my reason pero sana wag kang masyadong magalit. Alam na noon pa man simula ng magkaisip ang mga anak niyo na ikaw at si kezia ang tunay nilang mga magulang."





Tumango nalang ako. Tumunog ang cellphone ko, tiningnan ko si Lola, tinanguan naman niya ako. Huminga ako ng malalim saka kinuha ang cellphone ko galing sa aking bulsa.



From: Unknown
Nasa sementeryo na ako.



Napalunok ako at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan ko ang pag-iyak. It's been one year.




Bumuga ako ng hangin sabay tayo, agad akong tumalikod dahil alam kong sobrang halata na naiiyak na ako, I don't want Lola Purple to see me crying, she taught me to be brave and to not let anyone see me being in my weak state.



"Aalis muna ako, La."




"Sa sementeryo ang Punta mo?"





Napapikit ako at mabilis  na inalis ang kumawalang luha ko. "Yes. Tulog pa ang mga anak ko, paki sabi nalang sa kanila na may pinuntahan ako saglit kapag nagising na sila."




"Okay, apo?"


Bahagya ko siyang nilingon. "Ano iyon, La?"



"M-may dala akong bulaklak, pwede bang ikaw nalang ang magdala nun sa sementeryo?"




Tumango ako at iniwan na siya. Nilagay ko ang bulaklak ni Lola Purple sa backseat, at sa tuwing napapadpad ang paningin ko dito ay kumikirot ang puso ko. Naalala ko ulit ang araw na iyon, the image of Kezia bathing with her own blood is a nightmare, at hanggang ngayon ay hinding hindi ko parin kayang kalimutan.




Ng makarating ako sa sementeryo ay sina Braxten at Adonis nalang ang naroon. When they saw me approaching them, they immediately leave the place. Alam ko kung bakit. Dahil gusto nilang bigyan ako ng panahon.



Habang papalapit ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng matindeng lungkot, pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak. Pigil luha kong nilagay sa gilid ng kaniyang lapida ang bulaklak ni Lola Purple at bulaklak ko.





"It's been one year..." pumiyok ako, kaya bahagya akong natawa, kakasimula ko palang eh. "How are you? Are you happy?" Tuluyan na akong napaiyak. "B-because I'm not."





Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now