Chapter 9

1.2K 32 0
                                    

Chapter 9

Nakakailang. Halos walang nagsalita sa amin mula ng dumating ang cake, panay ang pagbibigay ng senyales ni Nathaniel na lumipat ako sa tabi niya, pero mas nakatuon ang atensyon ko sa mga siko namin ni Nic na halos kadaminuto nagtatama. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito o aksidente talaga? Pero nakakapagtaka lang na ilang beses ng nagtatama ang mga siko namin pero wala naman siyang ginagawa para maiwasan ito. Ang totoo'y panay ang layo ko sa siko ko mula sa kaniya pero nagtatama padin ang mga ito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsubo ng may biglang lumapit sa aming dalawang lalaking naka-itim na tux, naka shades din at nay earpiece ang isang tenga nila, kung di ako nagkakamali ay dalawa ang mga ito sa mga bodyguards ng ginang kanina. Ang isa ay may balabas, habang ang isa naman ay sobrang kinis ng kutis sa mukha kung di lang siya nakatux ay iisipin kong babae siya.

"Sir Nic."tawag ng lalaking may balbas sa kay Nic.

Nic tilted his head and raise his hand to gesture them to stay put. Uminom muna siya ng tubig saka tiningnan si Em na katabi ko din. "Tapos ka na?"

Alanganing tumango si Em kay Nic, "Ubusin ko lang a-ang cake ko." Sagot neto.

"Ok, take your time."

"Mhh."

Bigla akong napa-ubo ng malunok ko ng diretso ang cake na kakasubo ko lang, mabilis naman akong inabutan ni Nathaniel ng tubig ubos na kasi ang akin, medyo nahirapan pa ako sa pag-abot neto dahil sa distansya namin, kaya naman ng mahawakan ko ito ay agad ko itong ininom, naubos ko pa nga eh.

Ng mailagay ko na ang walang laman na baso sa mesa ay saka ko lang napansin na nakatingin pala sila lahat sa akin. Agad akong pinamulahan ng pisnge dahil sa hiya. "S-sorry."

"It's fine, kezia. By the way, wala akong dalang sasakyan ngayon, nakisakay ako kay Hepzibah, nasabi ko sa tiya mo na ako na ang maghahatid sa iyo pauwi pero may dadaanan pa kami ng ate hepzibah mo kaya kung papayag ka ay kayo nalang ni Nathaniel ang magkasabay sa pag-uwi."

Saglit kong tiningnan si Nathaniel saka tumango. "S-sige po-" napangiwi ako ng may biglang umapak sa kanang paa ko. Gusto kong humiyaw dahil mas diniinan pa neto ang pagkakaapak pero pinigilan ko ang sarili.

"Ok ka lang, kezia?" Tanong ni Ate Hepzibah.

Mabilis akong tumango. "O-ok lang po ate. W-wag nalang po pala. Kaya ko naman pong umuwi mag-isa."

Naging magaan na ang pagkakaapak sa akin kaya medyo nawala ang pagkalukot ng mukha ko. Pailalim kong binalingan ng tingin si Em pero nag-aabang lang pala siyang balingan ko, mapagbantang tingin ang iginawad niya sa akin at ilang segundo pay inalis na niya ang pagkakaapak sa akin. Pero kahit pa hindi na siya nakaapak ay ramdam ko parin ang hapdi, nakaheels kasi siya at ang suot ko naman ay manipis na rubber shoes.

Kumunot ang noo ni Nathaniel halatang di nagustuhan ang sinabi ko. "Pero sinabi namin sa tiya mo na-"

"Nathaniel pwede ba tayong mag-usap?" Biglang sabat ni Em kaya napunta sa kaniya ang atensyon ni Nathaniel.

Malamig na tiningnan ni Nathaniel si Em. "You can talk now."

"Yung... tayo lang sana." Nakayukong saad ni Em.

Bumuntong hininga si Nathaniel saka tumayo at naglakad na palabas, nahihiyang tumayo naman si Em at nagpaalam na mag-uusap sila saglit ni Nathaniel, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero sa tingin ko ay nakita kong umirap si Tita Maricel. Habang nakatingin ako sa papalayong bulto ni Em ay may naalala ako. Dahan dahan kong nilingon si Nic na ngayoy nakatitig lang sa wine glass niyang walang laman, napansin kong basa ang pang-ibabang labi niya, kakainom lang siguro niya ng wine.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now