Chapter 15

1.3K 33 0
                                    

Chapter 15

Hinarangan ako ng dalawang bodyguards ng makapasok ako sa loon ng ariport. Namumu-o na ang mga luha ko, gustong gusto ko ng umiyak pero mas kailangan kong mahabol si Nic!

"Miss kung wala kang maipapakitang passport ay di ka pwedeng pumasok, mas mabuti pang lumabas-"

"Kuya parang awa mo na, kailangan kong mahabol si Nic! Please, importante lang po-"

"Abay, iha, wala tayo sa pelikula, wala tayo sa shooting, kami ang malilintikan kapag hindi ka lumabas-"

"Let her." Malamig na sabi ng kung sino mula sa likod ko.

"S-sir.." kinakabahang sambit ng dalawa.

Naluluhang hinarap ko ang taong ito. Braxten's eyes found mine, at ng makita niyang naiiyak na ako ay agad niya akong hinawakan sa magkabilang balikat.

"Anong ginawa nila sayo? Did they-"

Mabilis akong umiling. "Tulungan mo ako, kailangan kong makausap si Nic!"

His eyes are hesitant but he still nod. Wala ng kahit na sino ang humarang sa dinadaanan ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta takbo lang ako ng takbo. Hanggang sa makita ko si Nic na naglalakad na papunta sa kung saan.

"Nic!" I shouted, pero di niya ako narinig. "Nic! Mayor!!"

He stopped for a moment before continue on walking. Naiiyak na mas binilisan ang pagtakbo, ng makalapit ako ay kumapit ako sa suot niyang jacket. I saw how he cleansed his jaw before looking at me.

"Malalate na ako." Malamig niyang sabi.

Tuluyang bumagsak ang mga luha ko. "Aalis ka talaga? Nic may nangyari-"

"Then? Should I take the responsibility?" Malamig niyang sabi, kung gaano kalamig ang boses niya ay ganoon din ang mga mata niya.

Inalis ko ang pagkakahawak ko sa damit niya at bahagyang umatras mula sa kaniya.

"W-wala lang ba iyon para sayo? Is it just sex?" I ask while my tears are falling, I don't bother removing it, gusto kong makita niyang nasasaktan ako, baka lang... baka bawiin niya ang sinabi niya.


"It's not my first time to sleep with someone, it's just plain sex. Wala naman akong sinabing pananagutan kita diba?" Balewala niyang sabi.

Mas umatras ako, he's right. Kung tutuusin parang ako pa nga ang nagpagamit.

"Just plain sex.." halos pabulong kong sabi, saka tumango, dahan dahan ko siyang tiningnan. "Nasabi ko na bang gusto kita?"


Nakita kong saglit siyang natigilan, pero walang nagbago sa reaksyon niya, still cold, he is still looking at me like I am not worth of his time.

"G-gusto kita, Nic."

"Hindi kita gusto." Bumuntong hininga siya at saglit ang relong suot. "May sasabihin ka pa? Em is waiting for me."


Lumunok ako saka yumuko. "W-wala na... h-have a safe trip, sana... wag na kayong bumalik." Sabi ko at mabilis na tumakbo paalis.

Nakasalubong ko si Braxten, he even called my name but I didn't bother to stop and tell him how his brother broke me. Durog na durog ako.

Pagod akong umuwi sa bahay. Its past ten in the evening kaya nakapatay ang lahat ng ilaw. Para akong nakalutang habang naglalakad ako papunta sa kwarto ko. Inalis ko ang mga luha kong nakaharang sa mata ko saka ko binuksan ang pinto ng kwarto ko. I opened the lights but before I could do anything someone locked the door and push me to my bed.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now