Chapter 2

1.8K 43 0
                                    

Chapter 2

Sa tuwing lumilipas ang bawat minuto, nagdadaan na mga araw at sandali ay di ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Maliban kasi sa malayo ako kila lola at mama ay hindi maganda ang pagtrato sa akin ng mga anak ni tiya tunis, inaasahan ko pa namang maibabalik namin ang dating pagkakaibigan namin, pero andaming nagbago pati ang mga ugali nila. Ng sinabi sa akin ni tiya tunis na naging spoiled brat na ang mga anak niya ay hindi ako masyadong naniniwala, pero totoo pala.

"Nakita mo ba si Quire?" Tanong ni Quid sa akin na ngayoy magulo ang buhok halatang kakagising lang.


Lihim akong napabuntong hininga. Tinanghali nanaman ng gising ang lalaking ito. Ibinalik ko nalang ang atensyon sa nilalabhang damit. "Hindi ko nakita."


"Tsk, that girl. Naglakwatsya nanaman." Problemadong sambit neto kaya di ko maiwasang mapatingin sa kaniya.


May hindi pala nagbago, ang pagiging mapagmahal netong kapatid, noon kasi kahit pa nakasimangot lang si Quire ay agad niya itong dinadaluhan at pinapangiti. Nakakainggit nga, gusto ko rin ng kapatid gaya niya. Sa pagkakatanda ko si Quid ang kaedad ko sa kanilang tatlo, pero hindi ako sigurado, sa tuwing nagkakasama kasi kami ay laging laro lang ang topic namin noon, hindi ko alam kung kailan ang birthday nila, at edad.

"Hoy, nakikinig ka ba?" Kunot noo netong sabi sa akin.


"H-ha?" Nasobrahan ba ako sa pagtitig sa kaniya? Nakaramdam ako ng hiya pero hindi ko ito pinahalata.

Napabuntong hininga siya, halatang naiirita na. Jusko bagong gising pa naman ito, baka masigawan nanaman ako. "Si mommy, nakita mo ba?" Saad neto na titig na titig sa akin.


"N-nag grocery si tiya tunis." Naiilang na sambit ko. Bat ba siya ganyan makatitig?

"Hmm." Tumango-tango ito pero nasa akin parin ang mga mata. Biglang bumaba ang mata neto sa dibdib ko, umangat ang isang gilid ng labi niya saka ibinalik sa mukha ko ang paningin. "Dalaga ka na nga." Nakangisi netong sabi at namulsang naglakad palayo.

Uminit ang pisnge ko at wala sa sariling napahawak sa dibdib ko. Lang'ya, alam ko ang ibig sabihin niya, hindi kalakihan ang dibdib ko pero mayroon naman din itong laman, naalala ko pa noon na tinutukso niya akong Maliit ang dede, malamanh bata pa kami nun! At hanggang ngayon... napabuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalaba.


Matapos kong labhan at isampay ang mga damit ko ay dumiretso ako sa kusina para magluto ng tanghalian, sabi kasi ni tiya ay mga alas tres na siya ng hapon makaka-uwi dahil maliban sa grocery ay ipapa-ayos neto ang kaniyang buhok, mabuti naman at may panahon si tiya na magrelax, mukhang stress na stress kasi ito dahil sa mga anak.


Di ko maiwasang makaramdam ng pag-aalala para kay Quire. Naglakwatsya kasi ito. Kanina pagkagising ko ay wala na ito sa kwarto niya hanggang ngayon ay wala parin, alam kong mali pero sana ay makabalik na ito bago pa man maka-uwi si tiya Tunis dahil tiyak na mapapagalitan ito.


"Anong ulam ngayon?" Tanong ng taong nasa likuran ko.


Bahagya pa akong napatalon dahil sa gulat. Nakaharap kasi ako sa stove, naglalagay ng asin sa sabaw na niluluto ko, muntik ko pang malagay pati ang garapon dahil sa biglaan niyang pagsalita galing sa likuran ko. Tiningnan ko si Quid ng masama at hindi nalang siya sinagot at nagpatuloy na sa pagluluto. Naramdaman ko ang paghakbang neto palayo, mabuti naman. Dahil naiinis na talaga ako sa kaniya, kanina pa kasi ito utos ng utos at walang ibang ginawa kundi ang manood ng tv. Spoiled Brat nga.

"May mga kaibigan akong dadating mamaya, marunong kabang magbake?" Sabi pa neto.


Napabuntong hininga ako at nagsandok nalang ng sabaw para malaman ko kung tama na ba ang alat, ng matikman ko ito at pumasa naman ay pinatay ko na ang apoy at nagsimula ng maglagay ng mga plato sa hapag. Nasa likuran ko naman si Quid, nakasunod lang.


Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now