Chapter 13

1.2K 32 0
                                    

Chapter 13

Matapos naming kumain ay napagpasyahan naming maglaro muna sa sala nila, nawala kasi ang antok ng nakararami, tanging si Adam at Quire lang ang dumiretso sa mga kwarto nila at natulog na. Tinabihan ako ni Nathaniel, pang dalawang tao kasi ang sofa na inupuan ko, sa harap ko naman ay si Em at Nic, magkatabi naman si Ai at Quid, sa kabilang banda din ay si Abraham, Adonis at Braxten.

"So here's the game, maglalaro tayo ng truth or dare, pero hindi spin the bottle, kundi when the music ends." Excited na sabi ni Braxten at inilagay sa coffee table ang isang maliit na speaker kasunod neto ang paglabas niya sa Iphone niya.

"Bluetooth mode." Boses galing sa speaker. May pinindot si Braxten sa cellphone niya. "It's connected successfully."

"So now, this Tennis ball will serve as your luck, kung kanino mahihinto ang bola ay siya ang tatanungin, gets?"

"Gets..." tamad na sabi namin.

Braxten groaned. "Guys, birthday ko ngayon! Be cheerful naman!"

Ibinigay niya sa akin ang tennis ball, at nagsimula na ang music kaya ipinasa ko ito kay Nathaniel, pinasa-pasa nila ang bola hanggang sa huminto na ang tugtog, ang bola ay nakay Em.

"Truth or Dare?" Tanong ni Braxten sa kaniya.

Em falshed a shy smile. "Truth nalang.."

Umakto pang nag-iisip si Braxten saka nagsalita. "Anong pinakamagandang brand ng lipstick?"

"Braxten, are you gay?" Seryosong tanong ni Nic sa kapatid.

"What? No, no, no. Well, I, ahm.. I want to give someone a present. "

Sarkastik na tumawa si Nathaniel. "You? Giving someone a gift? Isn't that Impossible? You hate buying gifts for someone else, except for youself."

Braxten rolls his eyes. "People change. "

"Walang sukli ang tao." Pambabara ni Ai sa kaniya. "And hello? Ikaw? Magbabago? Bakit, handa ka na bang hindi maging playboy at fuckboy?"

Naging seryoso ang mukha ni Braxten. "If it's for her, then why not?"

Natahimik ang lahat. Lahat sila ay seryosong nakatingin kay Braxten habang ako ay namamanghang nakatingin sa kaniya. He is willing to change! Ang swerte naman ng babaeng iyon? Sino kaya ang babaeng dahilan ng pagbabago ni Braxten?

"Well, Ate Em, pass the ball." Nakangiti ng sabi ni Braxten at nagpatugtog ulit.

The music stops, and the one who's holding the ball is Adonis.

"Truth or Dare?" Tanong ni Em sa kaniya.

Adonis sigh. "Truth." Tamad niyang sabi.

"Gusto mo o Mahal mo?"

"I love her." Agarang sagot ni Adonis.

Nagkibit balikat naman si Em, at nagpatuloy na ang laro. And then I lost my luck dahil nasa akin ang bola ng tumigil na ang tugtog.

"Truth or dare?" Tanong ni Adonis sa akin.

Hindi ko alam bat ako kinakabahan, parang kahit anong piliin ko, hindi maganda ang kalalabasan. "T-truth."

"You sure?"

Pilit akong tumango.

Nag-isip pa siya saka tumatangong tiningnan ako. "Bat ka kila Quid nakatira?"

Suddenly I felt safe. "Ninang ko kasi ang mama nila, nag apply ako ng scholarship sa Ateneo at nabalitaan iyon ni Tiya Tunis kaya nag-offer siyang sa kaniya ako titira, at nung lumabas ang result na hindi ako tanggap bilang isang scholar, ay nag-offer si Tiya na siya na ang magpaaral sa akin. Matalik na Magkaibigan ang ang mama ko at si Tiya kaya pumayag si mama. Si Tiya lang ang kakilala ko dito sa manila kaya, hindi ako basta-bastang makakalipat ng tirahan kahit pa gustuhin ko, nahihirapan pa kasi akong mag-adjust. Ibang-iba dito, eh."

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now