Chapter 34

1.3K 38 1
                                    

Chapter 34

Revelation 4 - Pamilya




Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, Inaasahan kong pagkadilat ko ay wala akong makita dahil may takip na ang mga mata ko, maging ang bibig ko, inaasahan ko ding nakatali ako pero hindi. Bagkus ay Nakahiga ako sa isang malambot na kama, nasa hanggang dibdib ko ang puting comforter.





Ang pamilyar na amoy na nanuot sa aking ilong ay bahagyang nagpakalma sa sistema ko, nilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto. White and Dark Green ang kadalasang kulay ang nakikita ko, may apat na pinto, may mga sofa saa bandang balcony, may study table, at may malaking painting na nasa dingding-- nakaharap ngayon sa akin.




It's a painting of a lady with her plain white shirt, navy blue jeans, her curly hair were tied, and she's smiling widely. So plain... ganyan ba talaga ako ka-plain noon? But seeing my painting in his room makes my heart flip. So he really is inlove with me since college, huh?




Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero nanghihina talaga ako, mas idiniin ko ang ulo ko sa unan at huminga ng malalim at pumikit. And our eyes met the moment I open my eyes...





Pagod siyang ngumiti sa akin saka naglakad palapit, he sat on the bed and held my hand, he kissed the back of my palm and cupped my face after.





"How are you feeling?"



"Weak.." mahinang sabi ko.




His jaw clenched. "I'm sorry I'm late..."




Gusto kong pangunutan ng noo pero pati iyon ay di ko magawa dahil sa panghihina. Tinitigan ko siya, his eyes are telling me that I've been in a bad situation, kitang kita ko kasi ang magkahalong pag-aalala,pagsisi at galit.




"W-what happened?" Mahina ko paring sabi.




Bumaba ang tingin niya sa sahig, isang butil ng luha ang tumakas sa mata niya, sinubukan niya itong punasan pero sunod sunod na ang pagkawala ng mga luha niya, agad niyang ibinaon ang mukha sa aking tyan, humagolhol siya.



"I-I'm sorry... baby I'm sorry.."




Hindi ko alam bat bigla ay gusto ko ring maiyak. Bakit nga ba? Ano ba ang nangyari?




"N-nic.." dahan dahan kong ipinatong ang aking kamay sa kaniyang likod, huminga muna ako ng malalim saka ito hinagod.



"W-we lost him..." humihikbi niyang sabi. "We lost our baby again, I'm s-sorry.."





Napatigil ako sa paghagod ng kaniyang likuran. Ilang segundo pa saka ko napagtanto ang ibig niyang sabihin.





Bigla ay hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, dapat ba akong makaramdam ng saya? Dahil buntis ako ulit? O lungkot dahil wala nanaman... namatay ang anak ko.





Pero b-baka, na kay lola Purple lang siya? Baka buhay pa siya? Pero Impossible dahil wala pa nga siguro akong isang buwang buntis, eh.





Namalayan ko nalang na humihikbi na ako.




"I-I'm sorry..." nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Nic.





Nasa tyan ko parin ang mukha niya, ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ng comforter pero hindi iyon ang mas inintindi ko.




"A-ano ba talaga ang nangyari, Nic?"




Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now