Chapter 16

1.3K 31 0
                                    

Chapter 16

Ang daming nangyari sa akin. Sa sobrang dami parang gusto ko ng bumigay. Lalong lalo na ng maramdaman kong totoo ang lahat, na hindi ako nanaginip, na totoong galit sa akin si Tiya Tunis.


"Walang hiya ka!" Puno ng hinanakit na sabi ni Tiya sa akin matapos niya akong sampalin. "Pinahamak mo ang anak ko! Siguro balak mong magnakaw ano? Sabihin mo ang totoo!" Sigaw niya at sinampal ako ulit.

Nakita ko ang pagtayo ni Nathaniel mula sa kinauupuan niya pero sinenyasan ko siyang umupo ulit.

"Tiya... w-wala naman po akong balak magnakaw. Maniwala ka po sa akin. Wala akong sasabihin hanggat hindi pa nagigising si Quid. Gusto ko pong siya mismo ang magsabi, dahil alam kong hindi mo naman ako paniniwalaan." Sabi ko at sinubukan kong ngumiti saka ako tumalikod.


I expected her to grab my hair but she didnt. Nanghihinang napa-upo ako sa sahig ng makalabas ako sa kwarto ni Quid  he is still unconscious, its been three weeks since that incident happened. Laking pasasalamat ko kila Braxten dahil hindi kumalat ang nangyari, maging si Quire ay nanahimik. Sa kila Nathaniel ako nakatira ngayon, nagpapasalamat ako sa kay Tita Maricel dahil imbes na husgahan akoy tanggap niya ang sitwasyon ko.

Agad kong naramdaman ang paghawak sa akin ni Nathaniel, hinawakan niya ako sa siko at sinubukang patayuin pero hindi ako tumayo.

"Kezia-"

"It must be hard for you... kaibigan mo si Quid tapos-"

"Kaibigan din naman kita. Your more special than him actually, dahil mas nauna kang tanggapin ang kasarian ko keysa sa kaniya, kahit pa mas nauna ko siyang naging kaibigan."


Umiyak nanaman ako. "Bat batu nangyayari sa akin? Gustong gusto ko ng tawagan o makausap man lang si mama at lola, pero ayaw ko namang mag-alala sila. Natoy, ano ng gagawin ko? Paano ako makakapagtapos neto?"


Lumuhod siya sa harapan ko. "Willing si mama na tulungan ka sa pag-aaral mo, naikwento ka din niya kay tito Ciato, he is also willing to help."


Ngumiti ako at niyakap siya. "Thank you, Nathaniel..."

Niyakap niya ako pabalik, naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko, pero imbes na bigyan ito ng malisya ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. Thank God for giving me a friend like him. Bigla akong nahilo ng tumayo ako, hindi ko na alam kung anong nangyari basta, nahilo ako.


"Your pregnant." Masayang sabi sa akin ng doctor na kaharap ko ngayon.

Nanigas ako sa kinauupuan ko, ramdam ko rin ang pagkabigla ni Nathaniel sa narinig. Marami pang sinabi ang doctor pero wala akong naiintindihan maliban sa buntis ako.

"Fuck that Quid! Akala ko ba walang nangyari sa inyo! How come your pregnant, kezia!" Galit na asik ni Nathaniel ng makapasok na kami sa kwartong pinatuluyan nila sa akin.

"W-wala naman talaga." Tulala ko paring sabi.

Napasabunot ng buhok si Nathaniel. "Then who? Fuck, Nic will kill that man-"


"Si Nic."

Natigilan siya sa sinabi ko. Ako naman ay umiiyak na.

"Si Nic ang ama ng dinadala ko, may nangyari sa amin bago siya umalis!"

"Fuck! Then why didn't you stop him-"


"Sa tingin mo hindi ko ginawa? I stopped him! Pero determinado siyang umalis kasama ang Em niya!"

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now