Chapter 4

1.4K 37 0
                                    

Chapter 4

"Ai, pwedeng magtanong?"

Ngumuso si Ai at sinuyapan ako. "Go ahead, sasagutin ko ang lahat ng katanungan mo, wag lang ang relationship status ko." Biro niya pa at ibinalik na ang atensyon sa pathway, tumigil ako at pinagmasdan ang likuran niya.

Ito na iyon, huminga ako ng malalim bago siya hinabol at nakipantay sa kaniya habang naglalakad. Ang sabi niya kasi ay sabay na kaming bumalik sa classrooms namin, pareho lang daw kasi kami ng building. "Pwede mo bang ikwento sa akin lahat ng nalalaman mo sa kila braxten, fheris, whil, adam, adonis, abraham, at sa ate mo?"

Kumunot ang noo niya. "Bat di ko narinig ang pangalan ni nic?"

Napalunok ako. "N-nakalimutan ko."

Mukhang di naman niya napansin ang kaba ko kaya mas nakahinga ako ng maluwag. "Well, magpipinsan silang lahat. Ako at si ate, pinsan kami nila nic sa mother's side."


"Pinsan?" Pero bakit... sila nic at em...

"Oh, so isa ka din sa mga nabiktima nila ate." Tumatango niyang sabi na para bang sanay na siya. "Ate and Nic looks like lovers, because they act like one, pero hindi. Hindi sila totoong lovers."


Bigla kong naalala kung paano mabuhayan ang mukha ni Nic sa tuwing nakikita si Em, kung paano niya ito ngitian, paano niya ito kausapin gamit ang malambing na boses, kung paano niya ito-

"Nic likes my sister."

Nanlalaking mata kong tiningnan si Ai, mukhang inaasahan naman niya ang ganoong reaksyon, nagkibit balikat siya, at bumuntong hininga.

"Pero bawal parin. My mother and Nic's mother are stepsisters, magkapatid lang sa papel, so magpinsan lang din kami sa papel. Pero gaya ng sinabi ko, bawal. At isa pa iba ang mahal ni ate." Pagkwe-kwento niya.

Nakaramdam ako ng awa para kay Nic, kung ganoon sa kanilang dalawa, siya lang ang nagmamahal, one sided love? Hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng karelasyon, hangang paghanga lang ako, hanggang tingin lang, hanggang panaginip, pero kahit na ganoon marami akong kaalaman patungkol sa pag-ibig, mahilig akong magbasa ng mga nobela, at manood ng mga love story. Kaya masasabi kong kawawa si Nic, hindi madali ang pinagdadaanan niya, magpinsan pa sila, mas lalo lang naging komplikado ang lahat.

"Anyways, wag nalang sila ang pag-usapan natin. Lets talk about Braxten, siya ang pinaka playboy sa kanilang lahat, matalino siya, mabait minsan, pero madalas demonyo, Grade Nine palang yun pero mas marami pang naging jowa kaysa sa akin. Ang mga Triplets naman,  third year college na ang mga iyon, magkaklase sila ni Quire, kung napapansin mo medyo hindi sila ganoon kadaldal, pero kapag nakipag-usap yung mga iyon sa iyo, sineswerte ka, dahil ang tatlong iyon mapili sa mga kinakausap, pero kahit na ganoon marami paring nagkakagusto sa kanila, matatalino kasi at ang gwa-gwapo pa, may kapatid silang babae pero elementary pa at ubod din iyon ng talino at ganda, ang gwapo din kasi ng mga kuya eh ." Namumulang pisnge niyang sabi.

Si Fheris naman,  Second year college na, mabait, matalino, down to earth, madaldal sa mga kaibigan pero kapag ayaw niya sa isang tao, ubod yun ng sungit, ngumingiti siya sa atin kasi kaibigan niya tayo pero kapag sa ibang tao laging nakabusangot ang mukha nun. Si Whil, Hmm, Grade twelve pa ang batang iyon, hambog siya kabaliktaran sa kuya niya pero may ipagmamalaki naman, spoiled iyon kasi miracle baby, at matalino. You see, lahat sila ay may kani-kanilang ugali pero may common traits naman, all of them were handsome, smart, rich and badass." Natatawa niyang sabi dahil sa huling sinabi.

"Paano kayo naging magkaibigan nila Quid?"

Napahinto siya ng tawa at biglang sumeryoso, tumikhim pa siya. "Well, mag bestfriends kasi sila ni Nic, mula pa nung highschool, at dahil lagi kaming magkakasama ay naging ka-close na din namin sila Quid at Quire, ganoon din si Que."

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now