Chapter 30

1.3K 32 0
                                    

Chapter 30

"Wala na bang mas gugulo pa sa buhay mo?" Naasar na sabi ni Lalaine.


Nandito ako ngayon sa condo niya, alam kong may nangyari sa kaniya pero di na ako nagtanong mukhang wala rin siyang balak sabihin eh. Ang plano ko talaga ay sa condo na ni Nathaniel tumuloy, total ay nandoon ang mga gamit ko, pero naiwan ko ang spare key na bigay ni Nathaniel sa bahay ni Papa, ayaw ko pang bumalik doon baka kasi di na ako paalisin kaya dumiretso nalang ako sa bahay netong lalaine.



At ang nakakatawa ay mukhang alam niya na mga sindikato sila, ni hindi siya nagulat nang sabihin kong mga sindikato ang nagpapatakbo ng HUE Empire.


"Pero in fairness, ang harsh mo kay papa Nic. Feeling ko talaga totoo siya eh, except lang dun sa sinabi mong may hinala kang kasabwat niya si Lola P! Baka rin naman kasi, O baka rin naman hindi!" Sabi niya habang feel na feel ang pagsasabon ng kaniyang mukha.




Huminga ako ng malalim saka inihiling ang ulo sa headrest ng kama niya, saglit akong pumikit, pero agad ding idinilat ang mga mata nang may narinig akong doorbell.




"Kez! Ikaw muna magbukas please! Nanghihilamos pa ako!" Sabi niya habang nasa sink na halos ang mukha, nakapikit na at mukhang kapag ididilat niya ang mga mata niya ay mapapsukan ng tubig na may sabon ang mga mata niya.



Um-oo ako at naglakad na papunta sa kaniyang pinto. May kalakihan din ang condo niya, pero mas malaki ang kay Nathaniel. Ang condo kasi ni Nathaniel ay pang dalawahang tao, pero itong kay lalaine ay pang-isahan lang.



Hinanda ko ang ngiti ko para batiin ang nasa labas bago ko binuksan ang pinto, pero agad ding nawala ang aking ngiti ng makitang si Braxten ang nasa labas.



Gaya ko ay nawala nadin ang ngiti niya. Nagdalawang isip pa ako kung ano ang susunod kong gagawin pero kusang umatras ang paa ko at mas niluwagan pa ang pagkakabukas ng pinto, hindi rin siya nagsalita at tuloy-tuloy lang ang lakad papuntang sala.




Ang huling usap namin ay nung sinabi kong mga sindikato sila, at di ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon. Dati-rati sa tuwing nakikita ko siya at maging kung sino man sa mga Ashley ay pakiramdam ko may karamay na ako sa pagharap sa mga probelma ko pero ngayon...



Bigla niya akong nilingon, saka ko pa namalayang nakatitig pala ako sa kaniya habang nasa pinto parin, hawak hawak ang pintong nakabukas. Natatarantang sinara ko ang pinto saka tumikhim at hinarap siya.




"Nasa banyo pa si Lalaine, ahm, anong gusto mo? Juice?"


Tinitigan niya ako, and I must say, I didn't saw him staring at me like this before, sobrang lamig ng titig niya at hindi ako sanay na makitang walang emosyon ang mukha niya.



"Gusto ko?"



Mas lumakas ang kalabog ng puso ko, kinakabahan ako. "O-oo? N-nauuhaw ka b-ba?"



"Gusto kong magalit sayo."


"A-ano bang-"


Tumayo siya habang di parin inaalis ang tingin sa akin, dahil sa takot ay bahagya akong napaatras.




"Anong ginawa mo sa kapatid ko? Hmm, Kezia?"



Napalunok ako. Bigla kong naalala ang lahat ng masasakit na salitang binitawan ko nung huli kaming nagkita, inaamin ko, pati ako ay di nagustuhan ang nga iyon dahil kitang kita ko kung paano siya nasaktan dahil sa mga sinabi ko.





Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now