Chapter 10

1.4K 40 0
                                    

Chapter 10

Namumugtong mata akong bumangon at naligo. Pakiramdam ko ay may lagnat ako, pero imbes na humiga ay nagbihis ako at bumaba na. Napansin ni Tiya ang pananamlay ko at sinabihan niya akong wag munang pumasok pero tumanggi ako, may oral recitation kasi kami ngayon.

"Did you drink any medicine?" Tanong ni Quid ng makaupo na siya sa tabi ko.

"Pupunta akong clinic, dun nalang ako manghihingi ng gamot." Namamaos kong sabi.

"May gamot naman-" napapikit siya at bumuntong hininga. "Never mind." Halos pabulong niyang sabi at magkasalubong ang kilay na tumingin sa labas ng sasakyan.

May biglang kumalabit sa likuran ko. "I heard you did something to Em..." tila mabuting balita niyang sabi. "Nic is very in love with her, and knowing him, he will probably make you miserable. " dagdag pa niya, saka nakangising umayos ng upo.

"Stop talking nonsense, Quire." Saway ni Quid sa kaniyang kapatid.

"Tsk. Kung di ba naman siya tanga. No one dares to harm Em because she got Nic as her lover and protector. Pero bilib ako sayo, kezia, sinakal mo pa talaga ang babaeng mahal niya."

Sinakal? Wala naman akong naalalang sinakal ko siya, hinawakan ko lang naman ang leeg niya para malaman kung may lagnat ba siya o wala.

"Hindi ko siya sinakal-"

"O come on, don't act like your an angel kezia! Dahil alam nating hindi ka ganoon, inggitera ka, kaya nga din dikit ng dikit sa ex ni Em diba?"

Ex?

"Quire! She don't have to know what happened in the past! It's none of her business!"

Natigilan kaming pareho ni Quire. Mabilis akong nag-iwas ng tingin ng akmang lilingonin na ako ni Quid. Masakit. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. It's none of my business? Kahit totoo ay masakit.

"Kezia."tawag sa akin ni Quire ng papasok na ako sa gate.

Pigil luha ko siyang hinarap. Hindi ko inaasahang lalambot ang expresyon ng mukha niya pagkaharap ko, pero saglit lang ito dahil bumalik din kaagad ang pagkamaldita niya.

"May gusto si Ai kay Kuya." Sabi niya at nilagpasan na ako.

Hindi ko na kailangang itanong kung sino sa mga kapatid niya. Kaya ba iniiwasan ako ni Ai? Kaya ba bigla nalang ay hindi ko na siya nakikita? Kung ganoon hindi lang pala sila Em at Nic ang tingin sa akin ay malandi kundi pati narin si Ai. Sino pa ba?

"Kezia, ok ka lang?" Tanong ng isa sa mga kagrupo ko. Nandito kami ngayon sa ilalim ng mangga para magreview para sa oral namin mamaya.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya, nagpilit ako ng isang ngiti at nanghihinang tumango. Mukhang hindi siya nakumbinsi kaya tinawag niya si Nathaniel na nasa kabilang puno. Ang totoo niyan ay sobrang lamig at bigat ng pakiramdam ko, idagdag mo pa ang sipon at ubo. Gusto kong pumunta sa clinic para manghingi ulit ng gamot pero kailangan kong magreview para mamaya, hindi pwedeng hindi ako makasali dahil ito ang rason kung bat ako pumasok ngayon.

"Kezia, what happened? Sherl told me you're not feeling well." Nag-aalalang sabi ni Nathaniel habang hinihingal pa.

"Ok lang naman ako ah?" Pinasigla ko ang boses ko pero alam kong alam niyang nagsisinungaling ako.

"You look weak, Dadalhin kita sa clinic."

"W-wag na-" dumikit ang likod ng palad niya sa aking noo at ilang segundo pay inilipat niya ang kamay sa aking leeg.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now