Chapter 11

1.2K 44 1
                                    


Chapter 11

Inutusan ako ni ma’am delos Reyes na bumili ng mineral water para sa mga bisita, medyo nahirapan ako sa pagdadala lalo nat benteng mineral water ang kailangan kong bilhin. Hindi naman ako makapalag dahil nga na-excuse niya na ako sa buong klase ko ngayong araw, nangako din siya sa aking bibigyan niya ako ng perfect points para sa oral recitation namin na hindi ko nasalihan, ayaw ko sana dahil sayang naman ang iginugol kong oras sa pagrereview pero wala na akong nagawa.

“kezia dito!” ma’am delos Reyes called me, nasa gilid siya ni Nic ns ngayoy seryoso lang sa pakikinig sa taong nagsasalita sa harap.

Nakayukong lumapit naman ako sa kaniya. “eto na po ang pinapabili niyo ma’am.” Sabi ko sabay lahad sa kaniya ng dalawang cellophane na may lamang mineral water.

Inabot naman niya ito at binilang ang mga taong naka-upo sa harap pagkatapos ay binilang ang mga tubig na nasa loob.

“ok natu.” Sabi pa ni ma’am at nilapitan na ang mga bisita. Balak ko sana siyang tulungan pero senenyasan niya akong wag na.

Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin si ma’am habang kinokontrol ang sarili na wag lingonin ang katabi.

“so you wore lipstick for that guy, huh?”

Nagatatakang nilingon ko si Nic, alam kong hindi ko siya dapat pang nilingon dahil gaya nagyon ay nagwawala nanaman ang puso ko ,pero kasi hindi ko mapigilan lao nat alam ko ang ibig niyang sabihin, pero kahit ganoon ay nagtanong parin ako, hindi ko rin kasi kilala ang tinutukoy niya.

“anong ibig mong sabihin?” kunot noo kong tanong.

He look at me with so much irritation on his expression. “Oh please, stop acting like you don’t know what I am talking about.”

“Hindi ko naman talaga alam, at isa pa, binura ko na ang lipstick gaya ng sinabi mo, mayor.” Kaswal kong sabi.

Suminghal siya at tiim bagang na tumingin sa harap, sinundan ko ang tiningnan niya. A young-looking guy, wearing round glasses, he is also wearing a tux just like the rest. Sigurado akong hindi siya isang dean, he looks so young to be one.

“Stop looking at him!” saway sa akin ni Nic.

I don’t get it, what is he mad about?

"Wala naman akong-"

"Buy more mineral waters."

"P-pero sabi ni ma'am ok na daw-"

Bumuntong hininga siya habang mabilis na inilabas ang pitaka galing sa kaniyang bulsa at naglabas ng isang libo. "Buy another twenty mineral waters, mas maganda ng may reserba."

Tiningnan ko lang ang pera sa kamay niya kaya naman siya na mismo ang naglagay neto sa kamay ko. Saglit akong napatanga dahil sa ginawa niya. He just touched me! At mukhang pati siya ay nagulat din sa kaniyang ginawa.

Namumulang pisnge niyang ibinalik sa harap ang paningin. "Go now."

Wala sa sarili akong tumango at sinunod ang sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko, Ganoon niya ako kagustong umalis.

Matapos kong mabili ang inuutos niya ay umalis kaagad ako, hindi ako nagpaalam pero umalis pa din ako, ramdam ko kasing ayaw niyang nasa malapit niya lang ako eh. Kaya naman imbes na ipagsiksikan ang sarili ko ay minabuti ko nalang na maglakadlakad sa hallway.

"Snob siya at masungit pero, bet na bet ko!"

"Sabagay ikaw ba naman maging sikat? Syempre aakto ka talagang hindi mareach!"

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now