Chapter 28

1.3K 33 0
                                    

Chapter 28

"Anak, paki-bilhan din ako ng gatas ha? Nakalimutan ko kasing bumili nung nakaraan."

Saglit akong tumingin kay mama para tumango pero agad ding ibinalik ang atensyon sa hawak kong papel kung saan ko inilista ang mga bibilhin ko, inabot ko ang ballpen na nasa mesa at isinulat ang sinabi ni mama.

"Uuwi po ako kaagad, ma! Alis na'ko!" Pasigaw na sabi ko dahil nasa Labas na ako ng bahay.

"Sige! Ingat!" Rinig ko pang pahabol ni Mama at Lola.

Napangiti ako. Hindi masyadong mainit dito sa probinsya namin keysa sa manila kaya hindi na ako nag-abalang magdala ng payong, ni hindi na nga ako pinagpawisan habang naghihintay ng Multicab. Hindi ko maiwasang matuwa habang sumasakay ako ng multicab at tricycle lalo pat halos sa taxi ako sumasakay sa manila, I miss this.

Halos magdadalawang linggo mula nung huli kaming nagkita nila Nic. Ang totoo niyan, ako ang lumayo. Natatakot kasi ako. Ang mga taong akala koy mga kaibigan ko ay mga sindikato pala. Nalaman ko din kasing Si tito Ciato ay isa ring sindikato, It's according to Braxten though. Hindi ako nag-iwan ng kahit na note man lang para kay Nathaniel, hindi ko rin kasi alam kung dapat pa ba, lalo nat muntik niya na akong magahasa. Sa tingin koy kailangan ko munang magpahinga mula sa lahat ng problema ko sa buhay, kailangan ko muna ng kapayapaan. Sasabihin ko lahat kila mama at lola, hindi nga lang ngayon ora mismo.

"Ay, oo nga! Babalik din naman ako kaagad! Oo na nga eh! O sige, bye." Malakas na sabi ng isang babaeng naka-nurse na uniporme sa kausap neto sa telepono, marami kaming napatingin sa kaniya but she seems to not mind it.


Ibinalik ko nalang din ang atensyon ko sa mga gatas sa harap ko. Bearbrand, Alaska, Milo, Jersey... alin ba dito ang iniinum ni mama? Para di na ako magtagal ay kumuha nalang ako tig-iisa.

"Ay miss paki abot naman niyang Alaska na malaki."

Napalingon ako sa katabi ko, iyong nurse kanina.

"Ito ba?" Saad ko sabay abot ng tinutukoy niya, siguro.

"Teka, parang pamilyar ka sa akin." Sabi pa niya at nag-isip. Namilog ang mga mata niya pagkatapos. "Ikaw nga! Nako, maam Kamusta na po ang kambal niyo?"

Natigilan ako. "K-kambal?"

"Opo. Diba? Kambal po ang isinilang niyo? Sa J.A hospital po kayo nanganak diba? Isa po ako sa mga nurse na nagpaanak sa inyo maam, teka, nag-gagatas parin po ang mga anak mo maam?" Masayang sabi niya habang nakatingin sa cart kong puno ng gatas.


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. "Mabuti ka pa, nakita mo si Nicky." Wala sa sariling sabi ko.

"Sinong Nicky po maam?" Tanong niya pa.

Malungkot akong ngumiti. "Ang anak kong lalaki. Nung magising kasi ako, nakalibing na siya eh."

Kumunot ang noo niya. "Nakalibing? Bakit naman? Eh, buhay na buhay naman ang kambal mo maam, ang gwapo nga nung lalaki eh, ang tangos nung ilong ang ganda ng mata."


Bigla akong kinabahan at nanlamig, hindi naman ako nag-iimagine diba? "Buhay ang anak ko?"

"Opo maam! Dumating nga po ang asawa niyo, siya po ang nag-asikaso sa lahat dahil ilang linggo kayong walang malay nun. Pati din po iyong lola dumating, ang dami niyo pong bisita, kaso wala ka pa pong malay nun."

"B-bisita? Alam mo bang akala ko ng patay si Nicky? Si Natasha lang ang naiwan sa akin." Hindi ko alam bat ako naiiyak.

Siguro dahil gustong gusto ko ang mga sinabi niya o dahil takot akong baka nagsisinungaling siya? Buhay ang mga anak ko, buhay si Nicky!

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now