Chapter 32

1.2K 30 1
                                    

Chapter 32


Revelation 2- Mama



From: Diego da Weirdo
Pumunta ka sa StarWinkle Convenience Store, ngayon din.




Nangunot ang noo ko. Ano nanaman ba ang nakain ng weirdo na ito?



I sigh before typing my  reply.



To: Diego da Weirdo
Why? Inaatake ka nanaman ba ng pagkaweirdo mo?



I almost laugh at my reply, paano kasi, mag-a-alas dose na ng gabi, so what's with this weirdness? Nandito ako ngayon sa bahay ni papa at kahit pa patulan ko ang sinasabi niya ay mahihirapan akong makaalis dito, bantay sarado ako sa di ko naman malaman na dahilan.




From: Diego da Weirdo
You'll regret if you won't. Neshna Czerone.




Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung pangalan ba ang Neshna na sinasabi niya pero ng mabasa ko ito ay bigla akong nakaramdam ng kaba.




Umupo ako sa kama ko at tiningnan muna saglit ang labas ng bintana ko, may dalawang tauhang nagbabantay sa baba, may dala-dala pang mga malalaking baril.




To: Diego da Weirdo
May bantay, di ako makalabas.



From: Diego da Weirdo
Ako bahala. Dalian mo.




Hindi man ako sigurado ay bumaba na ako, may mga nakasalubong akong mga tauhan ni papa at di naman nila ako sinaway, in fact pinagbuksan pa nga nila ako ng gate. Hindi naman masyadong malayo ang convenience store na sinasabi ni Diego kaya wala pang trenta minutos ay nakadating na ako.




Nilalamig na niyakap ko ang aking sarili ng daanan ako ng malamig na hangin, bat ba kasi di ako nag-jacket. Kasalanan tu ni Diego.




Napa-irap ako sa kawalan ng wala naman akong makitang ni anino ni Diego, balak ko sanang pumasok sa loob ng tindahan pero ng makita kong di magkapareho ang suot kong sapatos ay umatras ang sarili kong mga paa, shit!





"Ako na po bibili, senyorito."



"Fine."




Napatingin ako sa kakahintong itim na van na nakapark na ngayon ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Saglit akong tiningnan ni Diego at tinanguan ako, ngumiti ako sa kaniya habang pigil luhang tiningnan ang batang lalaking kasama niya.



Agad nangunot ang noo niya ng magtama ang mga mata namin, di ko maiwasang purihin ito, he is indeed handsome just like Nic.




Nakapajama lang naman siya, Itim na jacket at puting t-shirt ang nasa loob, may nakalagay na headphone sa kaniyang leeg, pero kahit na sa ganoong kasuotan ay para siyang anghel... ang anak ko.





"N-nicky..." nanginginig na sabi ko habang pilit paring pinipigilan ang sariling luha.



Tumaas ang isang kilay niya. "It's Neshna." Malamig niyang sabi.





Napatakip ako sa bibig ng sa wakas ay narinig ko ang boses niya. Ni iyak di ko narinig sa kaniya noon, pero ngayon... pero sana nabigyan ako ng pagkakataong marinig ang iyak niya at ng kakambal niya.





Sana narinig ko ang halakhak nila nung mga sanggol pa lamang sila, sana nakita ko kung paano sila ngumiti at umiyak, sana nandom ako nung una silang nadapa at natutong humakbang, magbasa at magsulat ng kanilang mga pangalan. Sana...




Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now