Chapter 14

1.2K 35 0
                                    

Chapter 14

WARNING : Sensitive Scenes Ahead. The following scenes contains scenes you might find gross. You've been warned.

Masaya ang naging araw ko sa mansyon ni Lola Purple, hindi lang kasi dagat ang mayroon doon kundi may falls din, sabi pa nga ni Braxten ay sa susunod daw o kaya ngayong bakasyon ay ipapasyal niya kami sa bagong bili na island nila.

Sometimes I wonder how rich Ashley's are, pero nung nakita ko palang ang lumang van daw ayon kay Braxten ay masasabi ko ng sobrang yaman nga nila. They're trying to be low profile, they don't even often appear on TV and magazines. Pero kung aalamin mo ang kung sino ang sponsor sa halos ng mga Charity events ay nakapangalan ito sa mga Ashley, maging ang tulay na ginawa para hindi na mahirapan ang mga tagabundok na tumawid sa sapa ay sila din ang nagpaggawa, pero iilan lang ang nakakaalam.



Ako nga ay di ito malalaman kung di lang kinwento sa akin ni Ai ang patungkol rito. Ashley's owned almost half of land piece here in the Philippines, marami silang pag-aaring mga lupa na ngayoy tinitirhan ng kung sino-sino, at ang nakakamangha sa kanila ay imbes na singilin o pagbayarin ang mga nakatira sa mga lupa nila ay wala silang ginawang aksyon, hinayaan nalang nila.

At hindi lang pala sila dito sa Pilipinas mayroong negosyo, dahil maging sa ibang bansa ay marami silang pera, they can live rich everywhere, but they are still keeping themselves low profile and humble, ewan ko lang kung humble bang matatawag si Braxten.

"Ok na kayo nila Nic?" Tanong ko kay Nathaniel na ngayoy naglalaro sa kaniyang cellphone.

"No comment." Seryosong sabi niya habang panay ang pindot sa screen ng cellphone niya.

Ngumiti nalang ako. Halos magkasabay na kasi kaming lahat kumain kapag lunch, at kapansin-pansin na rin ang unti-unting pagbago ng trato nila sa isat-isa, kung dati ay si braxten lang at si Nathaniel lang ang nag-uusap ngayon ay nag-uusap narin sila nila Nic at Quid.


"Wag daw muna tayong umuwi mamaya, mag-mamall daw tayo." Sabi ko pa.

"Tsk. I don't have time for shopping. "

"Pero sa paglalaro ng ML, meron?" Pang-aasar ko.

"I hate shopping."

"Pero diba, bakla ka? Dapat gusto mo din ang gusto ng mga babae."

Napangiwi siya. "I'm trying to be a man again."

"Talaga? Bakit nakita mo na ba si Irene?"

Nagkasalubong ang kilay niya. "Who's Irene?"

"Natoy, si Irene ang babaeng mahal na mahal mo." Pigil tawa kong sabi.

Tumigil siya sa paglalaro at sinamaan ako ng tingin. "Tss, Rank game iyon eh!"

"Tapos?" Inosente kong tanong.

"Ewan ko sayo, di mo rin naman maiintindihan." Sabi niya at inilagay na ang cellphone sa kaniyang bag, saka tumayo at iniwan na ako.

Natatawang tumayo ako at hinabol siya. "Natoy naman!"

"Don't call me that!"

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now