Chapter 8

1.3K 36 1
                                    

Chapter 8

"Ikaw na daw ang tatakbo bilang secretary, sabi ni mama."

Napahinto ako sa pagsubo ng mapagtanto ang sinabi ni Nathaniel. Tiningnan ko siya na may halong pagtatanong. "Bakit naman? Eh panigurado namang walang boboto sa akin eh."

"Wala naman talaga." Matamlay niyang saad at kumagat ulit sa burger niya at pinagalaw ang swing kung saan siya nakaupo.

"Yun naman pala eh-"

"Nag-transfer si Jin kaya ikaw nalang daw sabi ni mama, wala ng botuhang magaganap dahil ikaw na nga ang panalo."

Napalabi ako. "Hindi ako bagay maging sekretarya, maraming hindi maganda sa akin, hmm, Tanga ako."

"I second the motion."

"Palpak sa halos lahat ng bagay."

"I don't disagree to that, as well."

"Hindi ganoon katalino."

"It's obvious. " he murmured while still eating.

"At higit sa lahat, hindi ko deserve maging secretary, kaya nga walang nagnominate sa akin nung butahan diba?"

Hindi na siya sumagot pa, bagkus ay nag thumbs-up lang siya sa akin. Kaibigan ko ba talaga ang isang tu? Mukhang imbes na kumbinsihin ako'y mas Binigyan pa ako ng rason na umayaw. Tsk.

"Kezia, sama ka sa amin mamaya ha?"

Saglit kong tiningnan si ma'am habang patuloy parin sa pag-aayos ng mga papel na pinakolekta niya. "Saan po?"

"Magdi-dinner kami sa restuarant ng pamangkin ko, kaarawan kasi ngayon ng papa ni Nathaniel."

Naalala kong patay na ang papa ni Nathaniel. Kapansin pansin din ang hindi pagngiti ng lalaking iyon kanina, yun siguro ang dahilan.

"Sige po, ma'am."

Lumawak ang ngiti ni Ma'am. "Tita Maricel nalang, kezia. Kami na ang maghahatid sa iyo pauwi ha?"

Papayagan naman siguro ako ni tiya, mukhang magkaibigan naman sila ni Ma'am delos Reyes eh. Ngumiti ako at tumango. "Sige po."

Matapos ang ginagawa ko ay ibinigay ko na ito kay ma'am , nakangiting tininggap naman niya ito. Ng makaalis na si ma'am ay saka pa ako kumilos para kunin ang bag ko, P.E kasi namin ngayon at dahil absent ang  prof namin ay naisipan ng presidente namin sa P.E subject na maglaro nalang ng volleyball, total ay karamihan sa mga kaklase ko ay mga volleyball player noong high school.  Naiwan ako sa room kanina dahil tinulungan ko pa si ma'am, samantalang ang mabait  kong kaibigan ay iniwan ako.

Balak ko sanang tumakbo para mabilis akong dumating sa open field pero napahinto ako ng makita si Nic na naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Mayor, kailangan pa natin ng isang volunteer. Ang sabi ni dean ay pwede daw tayong kumuha ng estudyante sa Tourism dahil mas hindi sila busy keysa sa iba.."

Tumango si Nic habang nasaa hawak na papel ang mga mata, seryosong-seryoso. "I-double check mo ang lahat ng mapipili mong estudyante, make sure they won't cause any trouble, School deans ang nga bisita natin at ayaw kong mapahiya tayo."

Gusto kong iiwas ang paningin ko sa kaniya pero hindi ko magawa, siguro kasi iba ang suot niya ngayon, hindi kasi siya naka-uniporme, isang itim na v-neck t-shirt ang suot niya at khaki pants, agaw pansin din ang mga hikaw niya, medyo magulo ang buhok niya at mukha siyang bagong ligo, hindi ako sigurado kung pawis ba o hindi anh likidong tumutulo galing sa buhok niya, basa din kasi ang bandang leeg at gilid ng noo niya.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now