Chapter 3

1.5K 44 1
                                    

Chapter 3

Hindi naging madali ang unang araw ko. Walang gustong makipagkaibigan sa akin sa di ko malamang dahilan, pero nagpapasalamat akong wala namang nangyaring hindi maganda. Hindi na ako nahirapan sa direksyon na tinatahak ko sa tulong ng picture na kinuha ko kanina. Malungkot, oo pero wala naman akong magagawa dahil hindi naman pwedeng manghila ako ng kung sino at piliting kausapin ako.

Biglang tumunog ang cellphone ni Quid, nataranta pa ako ng makitang si Nic ang tumatawag, nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba pero sa huli ay sinagot na din. "H-hello?"

"Hey." Boses ni Quid. "Papunta na akong parking lot, ikaw nasan ka na?"

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi naman pala si Nic ang tumawag, hindi ko maintindihan pero kinakabahan talaga ako kapag kasali na siya sa usapan. "Papunta nadin. Malapit na ako sa gate."

"Ok, ingat." Sabi neto at pinatay na ang tawag.

Ingat? Delikado ba dito? Napa-iling nalang ako at binilisan na ang bawat hakbang. Parang gusto kong tumakbo pabalik sa loob ng makita si Quid kasama ang mga kaibigan na nagkwe-kwentuhan sa labas ng van ni Mang Din, yung mga pumunta sa bahay nila, at kasali na doon si Nic at Em! Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko, para akong sasabog na nasusuka na ano.

"Oh, nandito na ang mahal na prinsesa."sarkastik na saad ni Quire.

"Quire." Nagbabantang sabi ni Quid.

Inirapan ako ni Quire at nauna ng pumasok sa loob ng van. Napalunok ako at ramdam na ramdam ko ang pamumula ko dahil sa pagkapahiya, pero ng ngitian ako ni Quid ay hindi ko nalang pinahalata ang sakit na naramdaman ko, ngumiti ako pabalik.

"Kasabay natin sila, ok lang ba?"

"O-oo naman, bakit hindi." Naiilang na tanong ko. Nasa akin kasi ang mga mata nilang lahat.

Maingay ang buong byahe namin, nag-aasaran sila, at nangunguna doon si Braxten at Ai, habang nasa isang sulok lang sila Em at Nic na walang kibuan. Hindi ko maiwasang di makaramdam ng guilt, baka dahil doon sa naabutan ni Em? At dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag,uusapan nila ay tumingin nalang ako sa labas ng bintana.

"Grabe ka braxten! Grade nine ka palang pero andami mo ng naging ex! Bat di ka gumaya sa kuya mo!" Sermon ni Ai kay Braxten.

"Tsk. Pinagbibigyan ko lang naman ang mga babaeng lumalapit sa akin, kung si kuya nagpapaiyak ako nagpapaligaya." Malakas na kantyaw ang nagwagi sa buong van dahil sa sinabi ni Braxten.

Napabuntong hininga ako at wala sa sariling napatingin sa side mirror, halos lumuwa ang mga eye balls ko ng magtama ang mga mata namin ni nic, mabilis kong iginaya sa ibang direksyon ang mga mata ko, napadpad ang paningin ko sa rear mirror nagtama ulit ang mga mata namin sa pagkakataong ito ay kakaiba ang paraan ng pagtitig niya, o baka naman imahinasyon ko lang iyon? Kung hindi pa ako kinalabit ni Quid ay hindi ko maaalis ang paningin ko sa salamin.

"Kumusta ang First day?" Nakangiti netong tanong.

Ngumiti ako pabalik. "Ok naman, medyo naninibago lang."

"Great ,may naging kaibigan ka na ba?"

Naging pilit ang ngiti ko at umiling. "Wala eh."

"Of course hindi naman kasi mga taga kalye ang mga kaklase mo at iba ang taste nila hindi pang-cheap." Sabat ni Quire haban nakaharap sa screen ng cellphone.

"Quire." Madiing banggit ni Quid sa pangalan ng kapatid.

Bored na hinarap ni Quire si Quid, magkatabi kasi ang dalawa. "What?" Pa-inosente netong sabi. "Kung natamaan siya, edi natamaan."

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now