Chapter 7

1.2K 36 1
                                    

Chapter 7

"Ang lalim ng iniisip mo ah?"

Bahagya akong napatalon ng  marinig ang boses ni Nathaniel mula sa likuran ko, sinulyapan ko siya saglit at agad ding ibinalik ang atensyon sa pamimigay ng tinapay sa mga batang nakapila ngayon sa harap ko.

"San kayo galing?" Tanong ko habang inaabutan ng tinapay ang batang babae, na mukhang kakaiyak lang.

Bumuntong hininga siya kaya di ki maiwasang mapatingin sa kaniya. "Diyan lang sa tabi-tabi."


"Mhh." Tugon ko at di na muling nagsalita.

Ang totoo niyan ay kanina pa ako wala sa sarili, may kakaiba kasi sa mga nangayari, ang paraan kung paano tingnan ni Em si Nathaniel at kung paano nalang magreak si Nic. Di kaya si Nathaniel ang mahal ni Em, kaya ako sinungitan kanina ni Nic ay dahil nagseselos siya. Hindi ko alam kung gaano kasakit sa pakiramdam ang harap-harapan mong nakikita ang taong mahal mo sa taong alam mong mahal niya rin, pero alam kong hindi ko dapat patulan si Nic sa tuwing sinusungitan niya ako, bagkus ay kailangan kong pagaanin ang loob niya.


Saktong pag-angat ko ng tingin ay ang pagtalikod ni Nic, naka-upo kasi siya kanina sa may puno at ngayon ay naglalakad na siya palayo.

"Kezia, may sasabihin sana ako sayo-"

"Teka lang, aalis muna ako!" Nagmamadali kong sabi at agad na binigay sa kaniya ang cellophane na may tinapay.

Lakad takbo ang ginawa ko para hanapin si Nic, may naaninag akong taong papunta sa parking lot kaya agad ko itong sinundan. Nangunot ang noo ko ng makita si Nic na naka-upo sa hood ng puting  Jeep Wrangler Rubicon Unlimited, habang may sigarilyo sa isang kamay at bumubuga ng usok.

"Naninigarilyo ka?" Wala sa sariling tanong ko. Pero agad din akong nagsisi ng masamang tingin kaagad ang pinukol niya sa akin. "M-may, k-kunin lang.." nauutal kong sabi at naglakad na palapit sa sasakyan ni Nathaniel na nasa tabi lang ng sasakyang niya. 

Nalanghap ko pa ang usok ng sigarilyo niya kaya bahagya akong napa-ubo at napatingin sa kaniya, tamad naman niya akong pinagtaasan ng kilay, gusto ko siyang singhalan pero naalala kong broken hearted siya kaya siya ganito.

"Pagpasensyahan mo na, broken hearted yan.." bulong ko sa sarili at sinubukan ng buksan ang pinto ng front seat pero naka-lock ito. Napakagat labi ako at napapikit ng mariin, ang tanga ko, wala pala akong dalang susi.


Pero wala naman talaga sa plano ko ang pumunta dito.

"Gusto ni Em si Nathaniel , kaya tigil-tigilan mo ang panlalandi mo sa kaniya." Sabi ng taong nasa likod ko.

Gusto ko siyang harapin pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko, na para bang napako ang nga paa ko sa lupa, nabuhusan ako ng yelo at semento, at naninikip din ang dibdib ko. Narinig ko ang pabagsak na pag-apak niya sa lupa at paghakbang niya palayo. Sa tanang buhay ko, ilang beses na akong nasabihan ng malandi at higit pa doon pero bakit ang sakit na marinig ang katagang iyon galing sa kaniya?

Huminga ako ng malalim, umaasang maiibsan ang sakit sa dibdib ko, pero wala. "Ok lang yan, broken hearted lang siya..."

Bumalik ako sa loob ng bahay ampunan at tumulong ulit sa pamimigay ng tinapay, buong maghapon akong tumulong sa kanila at sa tuwing nilalapitan ako ni Nathaniel ay gumagawa ako ng paraan para lumayo, ramdam ko ang titig ni Nic palagi pero di ko siya nililingon, napapansin ko din ang paglapit ni Em kay Nathaniel sa tuwing may pagkakataon, at sa tuwing lumalapit siya ay tinatapunan niya ako ng kakaibang tingin.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now