3 Got You

211 10 4
                                    

Got You

Paano babawiin ‘to? Kasalanan ‘to ng pasmado niyang kamay. Itinabi niya ang cellphone. She munched on her nails contemplating what to do. Hindi naman siguro ito online. Anong oras na nga ba? It’s almost 12 midnight. Nang makahinga siya nang maayos at babawiin na sana— nakita niya namang in-accept na nito ang follow request. She bit her lip. He even followed her back. Kinabahan siya. Especially when her phone ping.

@thewancairo: Stalk lang po. Bawal ma-fall.

Napanganga siya sa chat nito. Ang kapal naman talaga ng lalaking ‘to. Nag-isip siya ng comeback laban dito kaso walang siyang ka-witty-han sa katawan. Ilang beses siyang nag-type at nag-delete ng message.

@lilacj: You wish!

@thewancairo: Sungit 🥺👉👈

@thewancairo: Bakit gising ka pa po?

@lilacj: Bawal ba??

@thewancairo: Hindi naman. Tulog na po. Dream of me. 🤭

Hindi niya na ni-reply-an ang baliw na lalaki. He’s really full of himself. Ngunit di niya napigilan ang pag-stalk sa feed nito. Halos mga pictures ng travels nito ang laman ng account. Unfiltered lahat ng pictures at walang subject na tao. Halos buildings at landscapes lang. Kung mayroon mang tao ay nahagip lang ito. May iisang trophy na agaw pansin. When she clicked on it, her data ran out.

“Oops... Let me help you.” A man shoved the books up inside the shelf. Napatunghay siya. Si Ewan pala.

“Hindi, kaya ko—

He beamed after placing the last book.

“I got it. Okay lang ba?”

Ano na namang ginagawa nito dito? Hindi pa siya nakaka-move on sa ginawa niyang kabulastugan few nights ago. Buti na lang hindi na ito nag-chat muli. She really hates overthinking things.

“Thanks,” sagot niya saka iniwan ang lalaki doon para tapusin ang kanyang ginagawa.

“Pwedeng magtanong?” Habol nito.

She looked back and replied, “Oo naman.”

“Saan nakalagay ang Algorithm and Data Structures?”

Lila doubts that he doesn’t know. Pero trabaho niya ‘to. She gestured him to follow. Nasa likod lang ang lalaki. She took a quick glance. He’s walking casually, passing by the booths. He looks harmless, she thought.

“Dito na isle, I think.” Tinuro niya ang isang shelf. He only nodded and proceeded into finding the book he’s looking for. Ano ba ang inaasahan niyang mangyari? It’s not like he didn’t just said that he likes her. He’s probably a player who likes to play this game. Napailing siya sa sarili. Bakit kasi lumalabas ang lahat ng mga unnecessary ideas sa utak niya?

“Hi, Ewan! Nandito ka ulit?” Bati ni Shane. Hindi niya sinasadyang makinig sa dalawa. She acted oblivious of the two.

“Yeah. Hiramin ko ‘to.” He put down the book on the counter top.

“Akin na...” Si Shane ang naka-assign ngayon.

“Nagpakulay ka ng buhok?” Ewan commented. Napatingin din siya sa buhok ni Shane. Hindi niya napansin iyon kanina.

“Napansin mo? Ganda ‘no?” Ibinida nito ang sarili.

Ewan grinned. “Yeah. It suits you.”

Nagdaldalan pa ang dalawa. Pumasok siya sa loob ng counter. Parang may sariling mundo ang dalawa. Maybe they’ll hit it off, she thought. Bumaling na lang siya sa laptop saka binuksan ang word processor. Isinauli ng kanyang adviser kanina ang kanyang thesis. May ipapa-revise na naman ito.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now