Epilogue

248 6 3
                                    

Epilogue


"Pahinga, okay? Beauty rest," paalala ni Shane sa kanya.

Napahalakhak siya at sinabing, "Oo na po. Goodnight." Saka ito umalis.

May bigla namang kumatok sa kanyang pinto. Nang binuksan niya ito ay nakita niya ang mamang. Ngumiti ito sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang yumakap dito.

"Ang laki mo na talaga," anito saka tinapik-tapik ang kanyang pwet na parang bata.

"Mamang naman." She groaned and held her tighter.

Bumitaw ito. "Oh siya, sige. Matulog ka na."

She was left all alone again in her room. Nag-stretch siya ng katawan, ready nang matulog. Niyakap niya ang sarili habang dinadama ang mga huling sandali na gaya nito. Inayos niya ulit ang higaan. Papahiga na sana siya nang may kumatok ulit. Sino na naman ito?

"Anong ginagawa mo dito?" Napakunot ang kanyang noo nang makita ito.

Ngumisi ito sa kanya nang nakakaloko. "Labas tayo?" ika nito.

May dala itong makapal na jacket sa kabila na hula niya ay para sa kanya. Tinignan siya nito na parang nagmamakaawa. Hindi na ba ito makapaghintay?

Tumawa siya matapos itong tampalin. "Baliw ka talaga."

Bumaba sila sa pension house. They sneak out to the woods like some kids. Payapa silang naglakad sa ilalim ng mga bituin. Hawak niya ang braso nito, dinadama ang init upang maibsan ang lamig na dala ng gabi.

"Pansin mo, hindi pa tayo nagkaroon ng malaking away?" anito.

Napaisip siya sandali.

"Oo nga 'no." Napangiti siya. "Pero sabi nila healthy relationship daw 'yong couple na may pag-aaway," aniya.

Bigla naman itong tumigil sa paglalakad. Nagtaka siyang pinagmasdan ang mukha nito. Unti-unting nag-iba ang ekpresyon. His forehead creased as he stared intently at her.

"Lila, naiwan mong nakabukas ang stove last week. Paano na lang kung di ko 'yon nakita? Ha?" he suddenly bellowed.

She snorted. "Nakikipag-away ka na niyan?"

Bumuntong-hininga ito. "Ano ba! Patulan mo na lang."

She shook her head. "Kasi naman ho—hindi ko kaya nakalimutan! Ikaw kaya last nagluto. Ako pa sinisi." She rolled her eyes and crossed her arms.

Walang ilang segundo ay niyakap na siya nito.

"I'm sorry..."

Napahagalpak siya ng tawa. "Tae ka naman. Paano tayo mag-aaway kung magso-sorry ka kaagad?"

He shrugged. "Can't help it."

Nagpatuloy sila sa paglalakad saka tumigil nang may nakitang kahoy na pwedeng upuan. They snuggled, feeling toasty in each other's arms. Napasandal siya sa balikat nito.

"Paano kung may pag-aawayan nga tayong seryoso?"

"Tulad naman ng ano?"

"Baka mabaon tayo sa utang?"

"Ipapabayad natin kay Eon. O hihingi kay Abuela."

She laughed, rolling her eyes at him.

"Seryoso kasi."

It took him some time before he answered. He got her freezing hands and warmed it with his.

"Kung mag-aaway man tayo which I highly doubt—I'd be the one to beg on my knees," he declared.

All Up In My Head [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon