24 Shame

98 3 4
                                    

Shame

"Ate, anong nangyari kanina?" Lumapit si Jennie sa kanya. Mugto ang mga mata nito. Bakas ang pag-alala sa mukha nito habang umuupo sa kanyang. Napayuko siya nang hawakan nito ang kanyang mga palad. The same hands that held his bloodied face. Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala sa nangyari.

"H-hindi ko alam. Basta na lang siya..." nauutal niyang sambit ngunit namutawi ang kanyang hikbi.

Please, Lila, stop crying.

She pursed her lips but her sobs continued to escape from her mouth. Hindi na yata siya nauubusan ng mailuluha.

"Eon..." Jennie called.

Napatunghay siya sa bagong dating. It's Ewan's brother. He looks relieved for some reasons. Pareho silang napatayo ni Jennie. They both waited for his words.

He sighed. "He's fine. Sabi ng doctor walang life-threatening injury na natamo si kuya," ika nito.

"Thank god." Jennie sighed in relief.

"But he can't compete for a while... or never," he regrettably added.

She buried her face with both of her hands. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha sa narinig. Ewan. He's been looking forward to that championship game ever since. Wala itong ibang mukambibig. He's been working so hard to achieve that. At sa isang iglap ay kinuha iyon sa kanya.

"Jen, paano natin sasabihin sa kanya..." she cried out.

"T-that's fine. Ang mahalaga okay si Kuya," Jennie said.

She knows Jennie is just trying to lighten everything up. Pero hindi niya magawang balewalain ito. Nang gumabi ay dumating ang parents ni Ewan. She excused herself para tawagan ang kanyang Mamang at para bigyan na rin ng space ang pamilya. She informed her mamang that she can't be home tonight. She wants to be here when he wakes up. She wants to make sure that he's going to be okay. Kahit alam niyang malabo pa iyon sa ngayon.

Pabalik na sana siya nang makita niya si Jace. Why is he here? He's pacing back and forth looking distressed. Sapo nito ang noo at may tinatawagan sa telepono. May nangyari din ba sa dito? Lumapit siya para itanong.

"Jace? Anong ginagawa mo dito?" she asked.

He looked so terrified when he saw her.

"Lila... Si Ewan?" he asked so suddenly.

Nabigla siya sa tanong nito. Paano nito nalaman ang tungkol sa nangyari kay Ewan? Kanina lang 'yon... Biglang pumasok sa utak niya ang imahe ng sasakyan kanina. Napatakip siya sa kanyang bibig nang mapagtanto ang nangyayari.

"Oh my god, Jace? Ikaw ang..." she trailed off.

He tried to touch her and she winced.

"I'm sorry. Nawala ako sa isip kanina. O-okay lang ba siya?"

Anong karapatan nitong magtanong?

Her lips parted as she gasped in horror. "H-how could you? Jace, hindi na siya makakalangoy!" sigaw niya. Nanginig ang kanyang kamao. Gustong-gusto niya itong saktan sa galit.

"Hindi ko sinasadya, Lila. I came here to apologize. I'm so sorry. I was-I didn't know what I was doing. Sorry! I'm sorry!" Paulit-ulit itong humingi ng tawad. Halos lumuhod sa pagmamakaawa. Paano nito nagagawang magmakaawa? He should be ashamed by now. Ano bang kasalanan ni Ewan? Dahil ba sa kanya?

"Anong magagawa niyang apology mo? Jace, tao ka pa ba? You... You stripped him off of his dream!" sigaw niya.

She held herself back when she almost slapped his unremorseful face. Nailamukos niya ang kanyang buhok saka napasapo sa mukha.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now