14 Too Much

121 4 5
                                    

Too Much

Akala ni Lila ay di na siya aabutan ng susunod pang linggo dahil sa midterms na naganap. Luckily, she survived it all. Hapong-hapo siya nang matapos ang pinakahuling subject nila. Akala niya ay makakapagpahinga na siya ngunit namataan niya si Shane sa labas ng kanyang building, naghihintay.

“Tara na!” sigaw nito habang kinakawayan siya.

“Saan tayo pupunta?”

Wala siyang ganang gumala ngayon. All her mind is circling around her bed and sleeping on it. Ngunit hila-hila na siya sa braso ni Shane.

“Bibili ng damit, friend. Dapat bongga tayo do’n.” Tukoy nito ang birthday ni Jenevieve. Buong linggo na excited at di magkamayaw ang kanyang kaibigan. Sa isang magarang hotel kasi ang pagdadausan ng event. May nakalagay rin na dress code at kailangang naka-maskara.

“Pagod na ‘ko ngayon. Tsaka may damit naman ako sa bahay.”

Shane sneered. “Saan? ‘Yong puti mong dress? Mukha kang white lady kapag suot mo ‘yon.”

Inirapan niya lang ang kaibigan ngunit sa huli ay hinayaan niya na lang ito. Ang totoo ay binigyan siya ng kanyang mamang ng pambili ng damit. Pinilit siya nitong pumunta nang hindi naman raw mabulok ang katawan nito sa bahay. She was grateful but she doesn’t really need it.

“Dali na,” pamimilit nito sa kanya.

Kanina pa sila ikot nang ikot sa mall. Nakita na ni Shane ang ‘dream dress’ niya. Pero siya ay wala pa ring napipili. Parating price ng damit ang kanyang tinitignan bago ang disenyo dahil mahirap na baka magkulang pa ang kanyang pera.

“Whoa...” Napanganga siya nang makita ang isang dress sa sulok ng mall.

“Ito na ‘yon,” bulong ni Shane.

It’s a long lacy dress in midnight blue. When she tried it on, the dress hugged her body well. The back is quite revealing but the arms are covered with a lacy patterns contrasting both styles. Shane helped her with the make-up. She let her do her hair as well.

“Girls!” binati sila ni Quinn.

“Hi...” she replied.

Quinn hugged them both. “You two look fabulous!”

Shane was quiet beside her. Nasa kamay lang nila ang maskara. Iilan lang naman ang may suot nito dahil hindi pa nagsisimula.

“Tara sa table namin,” aya nito.

The program started. Wala siyang halos kakilala sa mga tao. Buti na lang dumaan kanina si Jennie kaya nabati niya ito. She was even more ethereal glam up.

“Tara, Lila, sayaw,” ani Shane.

“Una na kayo,” tanggi niya.

Busog pa kasi siya sa daming pagkain kanina.

Sumimangot ito. “Tss... Sige na nga.”

Di nagtagal ay naiwan na siya sa kanyang table. It’s been an hour. There’s someone she’s looking among the crowd. She spotted him awhile ago but he was talking to a lot of people. Nahiya naman siyang sumingit. It’s not like she’s someone important.

But like on cue, she saw him walking towards her, wearing his silver mask. Even his face is half covered, she still recognized the familiar grin on his lips. Inabot nito ang kanyang kamay. She let him lead her in the middle of the dance floor.

“Miss, may I know your name?” bigla nitong tanong.

Napabitiw siya sa lalaki. “Ano?”

“Eon, why are you dancing with her?” She heard Ewan’s voice coming from the back.

All Up In My Head [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon