17 Cornelia

111 5 2
                                    

Cornelia

"May napupusuan na ba ang anak 'ko?" tanong ng kanyang mamang. Umupo ito sa kanyang tabi, may dalang baso ng tsaa.

Kakatapos lang nilang kumain kanina. Nasa baba pa si Tommy at naglalaro sa cellphone nito. Habang siya ay nanatili sa pagkakaupo sa balustrahe ng bintana.

"Ang lalim ng iniisip ah?" dagdag nito.

Ngumiti siya saka umiling. "Wala, mang."

Malamig ang simoy ng hangin dala ng buwang Disyembre. May kung ano sa kalangitan. Mas lalong kumukutitap ang mga bituin sa bawat segundong lumilipas.

"Talaga ba? Ano 'yan? Makikinig ako."

Huminga siya nang malalim saka tinignan ang kanyang mamang.

"Ilang beses kayong nasaktan bago niyo nasabing ito na 'yon, si tito Zandro na ang para sa'yo?" tanong niya.

Napaisip ito nang ilang sandali tila inaalala ang kahapon.

Naningkit ang mga mata nito. "Nakailang nobyo rin ako noon eh," anito.

Tumawa siya sa biro nito. "Mamang naman."

"Totoo nga! Naalala ko may nanligaw sa'kin noon, labing-pitong taong gulang pa lang ako, ha, tapos bumisita sa'min. Namataan niya akong naglalaro ng piko kasama 'yong mga maliliit na bata. Kasama ko rin yata si Nelia noon eh." Malungkot itong ngumiti sa pangalang nasambit, ang kanyang tunay na ina.

Tinuloy nito ang pagkukuwento. "Nagulat ako, syempre! May dala pang rosas! Kaso hindi ko siya sinagot. Naka-tatlong relasyon pa ako bago kami nagkatuluyan ni Zandro. Simpleng lalaki na mula sa probinsya. Mabait at masipag. Pagkatapos ng anim na buwan, nagpakasal na kami."

Napahalakhak siya sa mga sinabi ng mamang.

"Grabe kayo, mang! Getting-to-know stage pa 'yon."

Hindi niya lubos maisip na may pagaka-pilya pala ito noong kabataan. Ano kaya ang buhay noong panahon nila? Mas masaya kaya? Mas madali kaya? Gusto niya ring malaman.

" 'Yong pangalawa kong ngang nobyo, umabot pa kami ng dalawang taon."

Kinuha nito ang kanyang kamay saka bahagyang pinisil.

"Wala kasi iyan sa tagal, 'nak. Nasa tao 'yan."

Napangiti siya dahil tama ito.

" 'Yong nanligaw sa inyo na hindi niyo sinagot, si Tito 'yon 'no?" tanong niya ngunit nagkibit-balikat lamang ito.

Humalakhak siya. "Naku! May pagka-malandi rin pala kayo, mang."

Sandali silang natahimik matapos magkulitan. Napatingin siya sa tanim na kanyang hinanda para ibigay kay Ewan. Will he like it?

"Mabait ba 'yan?"

"Sinong mabait?" nalilito niyang tanong dito.

Ngumisi ito. " 'Yang unang pumasok sa isip mo."

She pursed her lips and slightly nodded.

"Sa tingin ko... kaso mabait din noong una si Jace, Mang," sagot niya naman.

“Kung saan ka sasaya at kung nirerespeto ka ng taong 'yon, doon ako. May tiwala naman ako sa’yo eh.”

Tumatak sa kanya ang sinabi ng Mamang. Saan nga ba siya sasaya? Paano nga ba sumaya? Tulala siyang nakatitig sa kisame habang inaalala ang mga nangyari. Pinakiramdaman ang sarili kung handa na ba ang puso niya.

Kinuha niya sa tokador ang litrato ng kanyang yumaong ina. Lahat ng tao noon ay panay ang sabi na magkamukha sila ng kanyang ina kahit hindi niya naman makita ngunit ngayon— kita niya na ang pagkakapareho nila. Maliban sa mga mata na nakuha niya yata sa kanyang ama.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now