6 Ride With Me

156 8 1
                                    

Ride With Me

After that encounter at the party, she haven’t seen him again. Lila was quite appalled. Wala naman siguro siyang sinabing masama. She was just being honest to him. Like what she promised this year, no more boys and dates. Sakit lang sila sa ulo. Not that she tried a lot of guys. Given naman siguro ‘yon na wala talaga silang kwenta, she thought.

She would rather spend her time on her pending reports and on-going thesis. Mas magiging productive pa siya. However, one day, Ewan’s friend came by the library. Wala naman talaga siyang pakialam. Sadyang malakas lang ang boses ng lalaki at pati na rin si Shane na umiilaw agad ang mata kapag nakakakita ng lalaking may hitsura.

“Ibabalik ko lang. Busy kasi no’ng kumag sa training.” He handed the books Ewan borrowed a couple of weeks ago.

“Ah tama. Papalapit na pala ang Gustavian week ‘no?” sagot naman ni Shane. Oo nga pala, he’s a swimmer, she thought. Kaya siguro hindi na ito nagpapakita.

“Patrick nga pala.”

“Shane...”

Lila can almost see her friend flushing.

“Naku, ilang araw na pala itong late.”

“Talaga? Magkano ang fines? Gagong Ewan ‘yon pagbabayarin pa ako.”

“Huwag mo nang bayaran. Pupunta ka pa sa admin, ang layo no’n.”

Nagpantig ang kanyang tainga sa narinig. She glared at Shane. Ngunit hindi siya nito pinapansin dahil tutok ito kay Patrick.

“Talaga? Ayos lang?”

“Oo naman!”

The two talk for about five minutes. They even exchanged phone numbers. Gusto na sanang umalis ni Lila. Kaso nagawa niya na ang trabaho for this week. Minsan gusto niya ring supalpalin ang kaibigan sa ginagawa nito.

“Sira ka na talaga ‘no?” singhal niya nang makaalis ang lalaki.

Inirapan siya nito. “Bakit ba? Nakikipagkaibigan lang ako.” Napailing na lang siya.

“Tsaka pupunta tayo sa tournament ni Ewan.”

Hindi niya gaanong inisip ang pag-imbita ni Shane. May exam pa siyang aatupagin sa susunod na linggo. She has set her priorities. Kahit after exam pa raw ang laro nito. Wala siyang planong pumunta. She’d rather deliver plants to help her mamang. Kung hindi lang dahil kay Shane baka noon niya pa naputol ang koneksyon niya kay Ewan.

Sunday, buryong-buryo na siya sa bahay. Umaga pa lang ay tapos na siyang mag-review ng kanyang notes para sa exam. She decided to watch movies to kill some time. After a few hours, pinakiusapan siya ng kanyang mamang na ihatid ang iilang tanim sa kliyente nito.

“Good morning po,” bati niya sa audio receiver matapos pindutin ang door bell.

Hapong-hapo siyang naglakad mula sa entrance ng subdivision. Buti na lang ay pinapasok siya ng guard. Kaso gamit naman lahat ng shuttle kaya walang nakapaghatid sa kanya. Nilakad niya na lang tuloy.

“Sino sila?”

“Magdedeliver po ng tanim for Jenevieve.”

“Okay, pasok kayo.”

Pumasok siya sa isang magarang bahay. Mukhang vintage mansion. Malapad ang frontyard at maganda ang pagkaka-landscape. She placed the plants on the metal table. Naghintay siya nang ilang sandali hanggang sa may kumalabit sa kanya.

“Lila? Bakit ka nandito?”

“Ikaw, bakit ka nandito?” gulat niyang tanong.

“This is my Tita’s house.”

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now