00 Him, Part II

139 3 3
                                    

Him, Part II

Eight years ago, when I first saw Lila, I thought she was some kind of an angel. I was not exaggerating. Lila had the darkest hair that sits right on her shoulders, she had fringes that covers her face. When the wind blows through it, it shows her mesmerizing eyes.

And her lips, god, her reddish lips, the shape of a thin heart. I wondered how would that feel pressed against mine. I imagined the softness and the tenderness. I must be crazy for thinking that way.

I was always drawn by her simplicity. There's not a touch of make up on her skin. Not even any accessories. She doesn't need one. Her presence was enough to crumble and create chaos inside my mind.

Morning...” bati ko sa aking pinsan na si Gabriel.

Umaga ng Lunes nang pinakiusapan ko siyang ihatid ako sa Gustavio. Bilang banned naman ako sa pagda-drive. Muntik na kasi akong mabundol sa island ng daan. I was fucking drunk and it was a shit show. Kaya naman pinagbawalan na ako ni coach. Baka raw hindi ako umabot sa championship. Natawa na lang ako.

Dito ka sa harap. Ano ako, driver mo?” reklamo niya nang akma kong bubuksan ang backseat.

Sinunod ko na lang ang kumag para wala nang away. Agad naman kaming dumating. Sa bilis ba naman magpagakbo nito. Parang may hinahabol na kung ano.

“Hindi pa ba tapos ‘yang ginagawa nilang billboard? Ang traffic na dito," reklamo niya.

Napatanaw ako sa labas. Oo nga. Ang tagal na nilang ginagawa iyan. Isasarado ko na sana ang bintana nang mahigip ng mata ko ang isang babae sa di kalayuan. Nakaluhod ito, di alintana ang mga taong dumaraan. Naka-uniform pa naman ng pareho sa amin.

“Teka! Teka!” pigil ko kay Gabriel. Halos sapakin ko na.

Pinagmasdan ko ulit iyong babae. She was carrying some kind of—kittens? Hindi lang isa kundi tatlo pa. Anong ginagawa niya?

“Ano na naman?” inip na ika ng pinsan kong epal.

“Kilala mo ba ‘yon?” Tinuro ko iyong babae.

“Sino? Babae na naman?” Niliko ni Gab ang sasakyan dahil umusad na ang traffic.

“ ‘Yon!” Tinuro ko ulit.

Napatingin din si Gab ngunit hindi niya nakita. Where is she going?

“Alam mo, lumabas ka na lang.”

Hindi ko inalintana ang nakakainis na boses niya. Nakita ko na lang iyong babae sa unahan at bitbit pa rin ang mga pusa. Pumasok siya sa isang bookstore. Gusto ko pa sana siyang tignan ngunit humarurot na ang pinsan ko.

Akala ko hindi ko na makikita ang babaeng iyon. Ngunit kung sinuswerte ka nga naman. Kasagsagan ng campaign ng mga tatakbo para sa susunod na officials ng LSG. Ang kaibigan kong si Quincy ay tumakbo. Pinilit niya pa kami ni Patrick na tulungan siya. Buti na lang pumayag ako dahil nakita ko ulit siya.

“Miss, vote for de Rama from FINE party.” Lumapit ako sa kanya at binigay ang papel na may mukha nila Quinn. Pwede bang ibigay ko na rin ang number ko?

Nakayuko lang siya. “I’m sorry taga-CASS ako eh," sagot niya.

She's not meeting my eyes at all. Hindi naman ako pangit. In fact, a lot of people say that I'm their type.

I grinned. “Wow. Liberal arts, nice.”

“Yeah.” Tumango lang siya at bahagyang ngumiti.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now