16 Like This

122 3 8
                                    

Like This

“Kumusta ang lakad mo?” tanong ng kanyang mamang.

Inilapag niya ang hawak na folder saka kumuha ng tubig. Ang init sa labas.

“Ayos naman. Kailangan ko na lang raw i-follow up," sagot niya.

“Kumain ka na ba?”

Tumango siya. “Tapos na, mang.”

Parang kailan lang nang magsimula ang taon. Ngayon ay papalapit na naman magtapos. For Lila, her life went back to normal. Normal means boring, regular day to day life. Papasok sa umaga, lectures, reporting, recits, quizzes at maya't mayang term paper. Sa hapon ay duty pagkatapos ng lunch. Maglilinis ng librong nakakalat, magtatala ng mga data at uuwi sa gabi.

As for Ewan, they remained civil. He didn't bother her ever since that outburst outside Gustavio which bothered her instead. Shane wasn't talking about him anymore which only made her curious that she sometimes wish that Shane would slip his name and talk about him.

Nahihibang na yata siya. Lalo na nang mapadalas ang pang-iistalk niya sa account nito. There's nothing new. Ni walang stories na naka-post. Is he that busy? Nalilito siya sa sarili. Now, that she got what she wished for, she didn't know what to do.

Ngayong hindi na siya kinukulit ng lalaki, siya naman ang napapaisip lagi. One time, she purposely pass near CE building. Kinain niya lang ang pangako niya noon sa sarili. But she really saw him.

“Hi," bati niya, almost too enthusiastically.

“Hi," ika nito.

“S-sige.”

She walked passed him.

“Lila...” he called and she turned around in an instant.

“Bakit?” tanong niya.

He paused to think for a second but then he shook his head.

“Wala. May tournament kami pero baka busy ka.” He pursed his lips.

Tumango siya saka sinabing, “Una na ‘ko.”

Nang makalayo siya ay agad niyang tinuktukan ang sarili.

“Ang tanga mo, Lila," inis niyang bulong.

How hard can it be? Talking to him like they usually do. Ang dali lang naman makipag-usap ngunit natatameme siya kanina. It's just that Ewan's always the first one who initiates the talk. It's never her. She realized that now. She must've sucked so bad, she thought. Small talk lang hindi niya pa magawa nang maayos.

“Pupunta ka sa sem-ender?” tanong ni Shane

Tinutukoy nito ang party after finals.

“Oo...” she replied.

“Makikipagbati ka na?” Tinaasan siya nito ng kilay.

She smiled. “Parang gano’n.”

“I think, I’m ready to cross that line," she added.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now