5 Locked Out

171 11 4
                                    

Locked Out

“KKB," she told him.

Tamang-tama ang dating nila sa night market. Bukas na ang mga hilera ng pagkain sa daan. Sagana ang night market sa street foods, dry goods at kung minsan ay may live band.

“Ba’t ayaw mong i-libre kita?”

They ordered pastil, some barbecue and softdrink for her and a beer for him. Nagsimula siyang buksan ang pastil at agad na natakam sa amoy nito.

“Ayokong magka-utang na loob," she shrugged.

“Gano’n ba ang tingin mo sa mga taong lumalapit sa’yo?”

Bigla siyang napaso sa kanin. Ewan immediately gave her a water. Dumarami na ang tao sa paligid. Bumaling siya kay Ewan na mukhang hinihintay pa rin ang kanyang sagot.

“You know... people don’t get close to you without thinking of what they can get from you.”

She shook her head and took a another bite of her isaw.

“Ang lungkot naman ng buhay kung gano’n ka mag-isip." He chuckled.

Ewan stared at her for a moment. "There are people out there who’d do things selflessly, who’d give you something without asking in return," he added.

“Yeah? I think they’re stupid," pabulong niyang sabi saka yumuko para bumalik sa pagkain.

“Who hurt you?” Ewan laughed.

Lila knew it was a joke but it pinched something inside of her.

“Tumigil ka nga.”

Matapos silang kumain ay inaya siya ni Ewan na magliwaliw muna. She declined in an instant but he was persistent. Tumigil sila sa isang booth na nagbebenta ng accessories.

"Bagay 'to sa'yo." Inilapit nito ang iilang scrunchies sa kanyang buhok, tinatansya kung aling kulay ang sakto sa kanya.

"Hindi ko kailangan niyan," tanggi niya.

"Sinong nagsabi na bibilhan kita?"

Hindi agad siya nakapagsalita. Nagtitimpi na si Lila sa kanyang kasama. Hindi niya alam kung bakit kayang-kaya nitong inisin siya sa pamamagitan ng ilang kataga.

Bigla itong tumawa. "Joke lang. Huwag kang magtampo."

"Hindi ako nagtatampo," irap niya.

"Lima nito at itong bracelet." Binigay niya sa tindero ang limang scrunchies na may iba't ibang kulay kasama ang bracelet.

Lila can't help but wonder to whom those are for. Hindi naman siguro ito mahilig sa mga pantali ng buhok. Maybe, it's for that girl he flirted with at the filipiniana section? That girl is probably his girlfriend. Now that she thought about it, her sudden outburst outside the sports complex made her feel worst.

"May sira nang konti. Pili ka na lang ng iba," ika ng tindero.

Pinagmasdan ni Ewan ang hawak na bracelet. It's in a violet shade with silver locks in each end. The center piece had some visible scratch in it.

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now