23 Terror

103 3 1
                                    

Terror

“Nasaan pala si Ewan? Hindi ko na nakikita ah?” tanong ni Shane habang nililigpit nila ang mga libro.

Months passed by like a blur. Gan’on siguro kapag masaya, nakakalimutan niya na halos ang oras. Madalas siyang hatid-sundo ni Ewan. Malaki ang natipid niya sa allowance. He doesn’t even allow her to pay bills. Kahit anong pilit niya dito. He once joked that he’d only let her pay if she say yes. And for a moment right then, she was tempted.

The fact that it’s more than a year since Jace and her were over. Naisip niya rin na karapatan niya rin namang sumaya at piliin ang sariling kaligayahan. But simple days like walking along Uni Ave, barbecue dates inside the Night Market or the sunsets in Gustavio felt enough. Parang ayaw niya munang tapusin baka kung marating na nila ang yugtong iyon at may mag-bago, baka hindi niya na alam ang gagawin.

“Ang daming ginagawa no'n. Busy pa yata talaga sa thesis nila.”

“Usap-usapan nga. Nagustuhan raw n’ong dean ng CE. Mukhang may magfu-fund na malaking company.”

“Ba’t ang dami mong alam?” she said and chuckled.

Shane shrugged, raising her brows. “Gan’on talaga ang mga researcher, Lila.”

“Gumawa ka na ng script sa defense?” she asked.

“Oo, mabuti nang handa.” She nodded.

“Naku, best presenter na ‘yan," she exclaimed.

“Baliw. Mas maganda ‘yong best paper," aniya.

“Sige na nga. Aim high tayo ‘no!”

Matapos ang midterms last few months ay final defense na ang kanilang inatupag. Marami na silang vacant between classes. Ngunit ngarag naman ang lahat sa final requirements. Natapos niya rin agad ang kanyang OJT. Mukhang sumobra pa nga naging hours niya sa duty. But the feeling is freeing. May kung anong kiliti ang nararamdaman niya sa isiping magtatapos na talaga sila sa kolehiyo.

Napatingin siya sa kanyang cellphone ngunit walang message si Ewan. Himala dahil hindi talaga ‘yon pumapalya sa pag-text at tawag. Minsan na rin siya nitong binigyan ng prepaid cards pero simula niyon minabuti niya na talagang magpa-load. Dumirecho siya sa kanila para umuwi ngunit ang nadatnan niya sa kanilang kalye na naglalaro ng basketball ay ang dalawang lalaking pawisan.

“Ewan? Tommy?” she called, a little surprised to see him in his sweaty muscle tee. She reminded herself not to stare too much. Minsan nakakalimutan niyang lalaki rin si Ewan, lalaking-lalaki. He has a lean but a muscular body due to him doing sports but it's not as noticeable when he's wearing his uniform or when he is in his casual clothes. Parang kanina pa naglalaro ang dalawa dahil hapong-hapo na ang kani-kanilang mga mukha.

“Ate!” Lumapit ang dalawa sa kanya.

Ewan waved at her while placing the ball beside his torso.

“Hi...” He grinned.

“Nandito ka lang pala?”

He shook his wet hair, brushing it upwards with his hands and smiled. “Sorry, dumirecho na ako dito nang magka-free cut kanina. I figured na uuwi ka rin naman," ika nito.

Napabaling siya kay Tommy na kanina pa nakangisi.

“Kanina pa ba kayo naglalaro?” she asked her cousin.

He nodded enthusiastically. “Oo, ate. Pang-MVP na nga ‘yong skills ko.”

Tumawa siya rito. “Sira talaga kayo. Pahinga muna.”

All Up In My Head [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon