Kabanata V: Plan

5.5K 238 16
                                    

Athyeia's PoV

"Binibini, ngumiti naman po kayo." Bulong ni Laura saaking tabihan. Pilit kong ipinakita ang maganda kong mga pantay-pantay na ngipin. "At kung maaari po a-ay hindi iyong pilit. Hehe." Saad ni Laura na medyo napapahakbang palayo.

It seemed as if she was creeped out by me. Napahinga naman ako, I can't afford meeting with Levi Azturias but I can't damage the reputation of the Abarca. Kailangan kong umayos.

"Good Evening Madame, Monsieur." Nakatungong pagsalubong saamin ng isang lalaking medyo may katandaan. Sa aking palagay ay siya ang Head Butler ng mga Azturias. "I am Vienvenido Agoncillo, the head butler of the Azturias Manor."

"Monseigneur Levi Azturias will return from his journey tomorrow and before your meeting, please do enjoy your stay." Mainit niya saaming pagbati.

As we walk at the first hallways of the manor, walang tigil ang head butler sa pageexplain ng mga bagay-bagay ukol sa history ng Manor na aming kinatatayuan.

Hindi biro ang manor ng mga Azturias, akala ko noon ay masyado lamang over the top ang pagdedescribe ng author sa kastilyo pero totoo palang napakagarbo ng kalooban ng lugar na ito.

Yung bang pakiramdam na parang hindi mo mahahawakan ang isang vase kasi baka mabasag na agad? Ganoon.

Masyado itong marikit at sa tingin palang ay sadyang mabubusog ka na.

"This is Graciel, she will lead the young ladies to their rooms. And this is  Abel, he will be the guide for Madame and Monsieur Abarca." Pakilala naman ni Butler Vien sa isang maid at isa pang butler na biglang lumapit saamin. "Your items has been delivered to your rooms, if you have anymore questions, please do not hesitate to ask Abel and Graciel. Goodnight."

Iniwan na kami ni Butler Vien sa kamay ng dalawa nilang kasambahay.

Me and Li-Em said our goodbyes and goodnights to our mom and dad before the both of us parted ways.

"Ate... Malapit lang naman p-po ang kwarto mo di'ba?" Tanong ni Li-Em. Klaseng natatakot siya sa hindi ko pa alam na dahilan.

"Opo munting binibini, sa totoo nga lang ay magkaharap lang ang kwarto ninyong dalawa." Paliwanag naman ni Graciel na klaseng narinig ang nangangambanng boses ng aking kapatid.

"Talaga po?"

"Uhn!" Nakatangong pagkumirpa ni Graciel.

"Kaya naman bukas ng umaga, pangako, si Ate agad ang gigising sa'yo." Sabi ko sa kapatid ko at mas hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. "Papaano naman Graciel si Laura?" Ayaw ko kasing mapalayo siya.

Lalo na at naglalayon akong humingi ng pabor dito tungkol sa isang bagay.

Nagpaplano kasi ako na makipagpalit sa kaniya ng kasuotan.

Base sa kwento, naligaw bigla si Athyeia sa palasyo ng mga Azturias, sa pagkaligaw niyang iyon, magkikita sila ni Levi sa may hardinan.

Makikilala ni Levi ang mukha ng babae, he will take the time to talk with her, asking her a bunch of stuff. Sa tingin ko ay tungkol iyon sa ginawang pagliligtas ni Athyeia sa kaniya.

He will think that Athyeia is a treath and so is her family. Kaya naman sa pamamagitan ng pagpapanggap na mabait siya dito ay susubukan niya nadin itong imbestigahan.

My plan is to pretend as Laura, tapos siya naman si Athyeia. Paniguradong pag naligaw ako bilang Laura ay hindi niya ako papansinin.

He will just probably passed by me thinking that I am just a simple maid.

Maswerte ako pag si Laura pretending as me, met Levi. Baka sila pa ang magkainlaban ng lalaking iyon.

Levi's character is a scheming cold character, pero oras na mainlab siya ay grabe ang keso. Sigurado naman akong kahit na katulong lamang si Laura ay makukuha niya ang loob ng lalaking iyon.

Laura is a natural charmer. At kahit nasa Familia Bajo ang kaniyang katayuan ngayon, panigurado akong gagawa si Levi ng hakbang para mapangasawa siya.

I'm sure Levi won't kill Laura in the long run. Hindi naman kasi ito katulad ni Athyeia na masyadong maaattach sa kaniya to the point na maiinis na siya.

Laura is such a sweet and lovable lady that I am so sure, Levi will fall head over heels on her.

Isa pang dahilan kung bakit nais kong makipagpalit kay Laura ng katauhan ay dahil mas madaling gumalaw sa kaniyang bestida. Umaabot lang naman kasi ang hem noon sa baba ng kaniyang tuhod. Tas boots na instead of doll shoes ang kaniyang suot.

"Si Laura naman binibini ay tabi ng iyong kwarto matutulog. Sa ganoong paraan, madali mo din siyang mahahanap pag kailangan mo ng tulong." Sagot niya sa tanong ko kanina.

Lumapit ako ng hakbang kay Laura. "Pagmamaya ay umalis na si Graciela, pumunta ka saaking silid. May paguusapan lang tayo." Medyo nalito pa si Laura saaking sinabi pero maya-maya ay tumango nadin ito.

"Masusunod po binibini."

Wala pang trenta minutos ay nakarating na kami sa kaniya-kaniyang kwarto.

I looked at the time, 11:11PM. Ako ang unang inihatid saaking kwarto, siguro ay dadating na dito si Laura maya-maya.

Habang naghihintay sa kaniya, tumungo muna ako sa balkonahe ng aking kwarto.

Ganoon nalang ang pagkatuwa ko noong mapagtantong nasa kalagitnaan ng harap ng buong manor ang aking silid.

Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang dalawang fountain sa kaliwa at kanan ng harapan, sa fountain ay may nakapalibot na dalawang garden maze.

Never in my life did I expect na makakatapak ako sa ganitong uri ng lugar. It's technically Athyeia's life but I am currently her and this is my reality.

I feel sad that I can easily get used to this. Napakaganda ng lahat ng aking nakikita, iilan lamang ang aking problema, kumpleto at masaya ang aking pamilya, ngunit sa kabila noon ay hindi padin mawala sa isip ko ang mundong dati kong tinitirhan.

Yung mga araw na lagi akong nakayakap sa Mama at Papa ko, iyong mga araw na tumatabi pa ako sa kanila.

"Binibini?" Napatingin ako sa boses babaeng tumawag saakin. Si Laura iyon, maaaring kumatok siya ngunit hindi ko narinig.

Mabuti na lamang at iniwan kong bukas ang pintuan.

"Tara." Aya ko sa kaniya papasok sa kwarto galing sa balkonahe at tsaka doon sinabi ang aking plano.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon