Kabanata XX: Under the Rain

3.7K 223 1
                                    

Levi's PoV

Ang panahon noong araw na umuwi ang aking Ama ay tulad din ng panahon ngayon.

Labing apat na taon na ang nakalilipas...

"Mama! Gumising ka na po!! Dadating na po si Papa!!!" Masaya kong sigaw katabi ang aking Kuya.

Maaga ako ngayong gumising sa kabila ng malamig na panahon.

Ang katotohanan nga ay dapat babalik na akong muli sa tulog sa kabila ng sinabi kong pagpapagising kay Butler Vien, ngunit naalala kong ngayon darating ang aking ama mula sa isang gyera na tumagal ng halos dalawang taon.

Ngayon lang namin siya muling makikita.

"Haha, ang aga mo namang manggising anak." Medyo inaantok pang sabi ng mama ko.

She tapped the space beside her.

"Tabi muna kayo kay Mama, sleep pa tayo." Sabi niya saakin ng may mga matang nangaantig.

Gusto ko pa talagang tumulog. Pero...

I hugged my most favorite pillow and snorted. "No! Andyan na si Papa! Kailangan po natin siyang gunitain mama!!! Dapat po tayo maghanda!" I tugged on my Kuya Nero's pajama shirt. "Di'ba kuya??"

"Oo. Tama si Levi Mama, nandyan na po si Papa." Sambit nito.

Hindi man ni Kuya pinapahalata pero alam kong nasasabik din siya sa pagbabalik ni Papa.

Apat na taong gulang ako noong huli kong makita si Papa kaya naman tuwang-tuwa ako ngayon na may halong nerbyos.

Sa dalawang taong wala si Papa, mas lalo akong gumwapo, mas gwapo pa sa kaniya at kay Kuya.

Napapaisip tuloy ako kung makikilala niya pa ba ako.

Medyo tumangkad din ako, hanggang sa sikmura ni mama.

"Ahh, antok pa si Mama." Angal ni Mama. "Wala ba muna akong kiss pampagising??"

Napanguso ako.

"Naglalambing ka lang naman po e!" Naiinis kong sigaw sa kaniya pero umaplang padin sa kaniyang kama at humalik sa kaniyang pisngi.

"Yehey! Katabi ko na si Levi!!!" Sigaw niya ng higitin ako at yakapin. I rolled my eyes.

"Ang daya! Sinabi na dadayain mo po ako e!!" Humagikhik saakin si Mama, si Kuya Nero naman ay walang imik na tumabi din.

Mommy and Kuya Nero sandwiched me. Napahinga ako. "Cheater." Bulong ko ngunit yumapos nadin saaking Mama.

Makalipas ang ilang oras, natapos na kami sa paghahanda. Pinaluto ko kina Butler Vien ang favorite na chocolate cake ni Papa na favorite ko din.

Kaya naman mas nanabik ako.

Napatigil ako sa pagiikot-ikot ng biglang kumulog.

"Sana mamaya na umulan pag nakauwi na si Papa..." Bulong ko habang nagaantay sa front door ng kastilyo at pinapanood ang mga nagkukulugang mga ulap.

"V!! Iniwan mo nanaman ang amerikana mo!!" Sigaw saakin ng isang boses. Lumingon ako saaking likuran.

Nakita ko naman si mama na humahagos patungo saakin.

I gave her a playful smile. Mommy said that pag nangiti daw ako ay lagi niyang nakakalimutan ang galit saakin.

Nakasanayan ko na tuloy itong gawin para hindi laging malukot ang kaniyang mukha.

"Ikaw!!!" She pinched my cheeks. "Dinadaan mo nanaman ako sa pagpapacute mong 'yan ha!"

"Haha.." I felt guilty on what I did. Napakamot tuloy ako saaking ulo.

Just after my mommy put on my coat, biglang tumunog iyong mga trumpeta.

Nagbukas ang malaking pultahan namin sa harap ng kastilyo. Mula sa pintuan namin ay kita ko ang napakadaming tao sa likod ng pultahan, at ang ama kong makisig na tinatawid ang pagitan niya at ng pintuan namin.

I was in awe, everyone was.

Kaya naman noong bigla itong tamaan ng kidlat ay biglang natahimik ang malalakas na sigaw ng papuri sa kaniya ng mga tao.

"Leon!" Sigaw ni Mama habang nahuhulog si Ama sa malamig na semento.

Naramdaman ko ang malakas na pagpintig ng aking mga pulso at puso.

I felt my brother's shaking hands covered my eyes.

Dad was dead.

Walang ekspresyon kong pinanood ang kidlat na matuling papunta saakin.

When my mom approached my father, I wonder what is it she was thinking about?

Ahh, I wanna know.

"V!!!" Napabalik ako sa huwisyo ng dahil sa sigaw ng boses na iyon.

Mom?

Imbes na ang mukha ng nanay ko ang aking makita ay mukha ni Athyeia ang aking kinagisnan.

It felt weird.

Hindi siya ang nanay ko ngunit ang nagaalala at lumuluha niyang mukha ay napakapamilyar sa aking mga mata.

"Tanga ka ba?!!" Malakas nitong sigaw nang tumama ang likod ko sa malamig na baldosa.

She was out of breath and was tugging on my white longsleeves shirt.

Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso ng makita ko ang luhaan niyang mukha na puno ng inis na nakatitig saakin.

"Gusto mo bang mamatay?!!"

Athyeia's PoV

Naramdaman ko ang marahang pagsisimula ng maliliit na patak ng ulan saaking ulo.

Hinihingal akong napatayo mula sa pagkakahiga ko kay V.

Ang tanga-tanga ng lalaking ito, bwisit!!!

"Bilisan mo tanga!" Sigaw ko at hinigit si V na nananatili pading nakahiga sa tiles ng daan na nagkokonekta sa main gate at pintuan ng manor.

Ganoon na lamang ang sayang naramdaman ko noong magpadala siya saaking higit.

With tearful eyes, I pulled him as we ran towards the insides of the manor.

Vote. Comment. Thanks for reading!!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon