Kabanata XVII: Sa Pamilihan

4K 215 7
                                    

Athyeia's PoV

"Mama, parang awa na po, payagan niyo po ako!" I pleaded as I held my mother's hand.

Lihim naman akong napangiti noong makita ang awa mula sa kaniyang mga mata.

Napahawak ako saaking dibdib at inilagay ang panyo sa isa kong mata upang kunwari ay may tumulo doong luha.

"Labis po kasi akong nahahabag. A-Ang dami pong nagawa ni Laura p-para saakin. Nais ko po talagang bilhin iyong regalong iyon para s-sa kaniya."

Sabi ko habang nakatingin kay Laura na nakasilip sa pintuan ni Mama at pasikreto saaking nagta-thumbs up.

"Ma..." Muli kong tawag. Tila naman nahabag saakin si Mama. Konti nalang, papayag din ito.

"Masusunod!" Labis namang galak ang nadama ko noong siya ay tumango. Tumayo ako sa pagkakaluhod at yumakap dito na tila ba ay sayang-saya ako. "Ngunit gusto ko ay magsama kayo ng lalaking magbabantay sa inyo." Mariin niyang sabi.

Lumayo ako dito at muli siyang tiningnan sa mukha. "Si Manong Rodelios po mama. Hindi po ba at sundalo siya sa campo noon?" Ha! Akala mo ma ha!

Pinagisipan ko ata lahat ng hakbang na dapat gawin mapapunta lamang ako sa bayan kung nasaan nakatayo iyong manor ni Levi.

Kasama na doon ang mga taong dapat kong isama.

"Hmm... sige." Sabi niya na mukha pang medyo napaisip.

Mama Mary, Brother Jesus, salamat po sa pagdinig ng aking mga dasal!

"Kailan niyo nga pala balak umalis?" I gave my mama a big wide smile.

"Ngayong gabi po ma." At doon nahulog ang mga mata at panga niya sa may sahig.

My plan was to go back to Levi's manor. Ang palusot ko para makapunta kami sa bayan kung nasaan ang lugar na iyon ay dahil may gusto akong iregalo na mamahaling alahas kay Laura. At iyon lang ang gusto kong ibigay at wala nang iba.

Nagkataon din kasing birthday niya sa isang linggo.

Laura don't know na tototohanin ko iyong sinabi ko. So it's a bit of a surprise na medyo hindi.

During our small trip, pinagdala ko siya ng damit pangkatulong.

Maid uniforms have only one style during this era, isang bagay na makakatulong saamin sa pagpuslit papasok ng palasyo.

That's right.

Pupuslit kami sa loob ng palasyo.

I won't let Levi know that I am there though.

I will just leave his pendant on his office table. Alam kong mahalaga iyon sa kaniya and I don't want him to lose something so important. He's been through a lot already.

Don't get me wrong.

Takot padin ako sa maaaring kahantungan ko sa mga kamay niya. But I am not a demon who can live happily even though I am stepping on someone elses feelings.

It's more of, ayaw ko nang may mawala pa sa kaniyang mahalaga.

I am taking away Athy from him, pati ba naman iyong mahalagang bagay na iyon? Heck no!

So ayun, nagkagulo pa kami ni mama. Our date of departure was moved to tomorrow morning, mas safe daw magtravel ng umaga kaysa gabi.

I didn't complain though. Baka mamaya kasi ay hindi niya pa kami payagan.

When morning arrived, agad kaming umalis.

I cooked packed lunch for everybody kaya naman wala na kaming mga tinigilan.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon