Kabanata XXXXIII: Stop

2.4K 144 1
                                    

Nero's PoV

"How about this." Sambit ko kay Yangzhe habang sinusubukang gayahin ang boses ng kapatid kong si Levi.

Ugh. Nagpaikli ako ng buhok upang maging magkamukha kami ng lalaking iyon.

Isa pa, pinakulayan ko din ito at naglagay ng tinatawag nilang salamin sa loob ng aking mga mata.

Kailangan kong galingan.

At baka mapatay pa ako noon dahil baka hindi niya mailigtas ang babae niya. I gritted my teeth.

Napakaswerte niya sa kapatid niya at ayon siya at klaseng kaya lamang akong ipain ng basta-basta.

"If we wage on a full war, malamang ay mananalo kami." I said. Hindi lamang pangpalabas itong mga tao saaking likuran ano. "You and your whole tribe will die." Buo kong sabi.

Kita ko ang pagngitngit ng kaniyang mga ngipin sa kabila ng matapang at diretsyo niyang mukha na ipinapakita.

"Pick two of your men, and I'll pick two of mine as well. We shall engage in a fight. Kahit anong armas. Kung sinong unang tamaan, siya ang susuko." Sabi ko dito habang minumura ang aking kapatid saaking isipan.

Pag ako nagkababae, sinasabi ko sa iyo Levi. Papahirapan din kitang taranrado ka!

Mukha namang nakuha ni Yangzhe ang ibig kong sabihin. Napangisi ito.

Bakit naman hindi? Kung sa ganitong paraan ay pabor at may kakayahang manalo ang dalawang panig.

Isa pa, kahit naman sinasabi ko ito, kung matalo man sila, hindi ko padin masusugod ng buo ang kanilang tribo.

Kalaban man siya ngunit sila padin ay nasa aking bansa. Ako ang hari at sila ay nasa palad ng aking pangangalaga.

Athyeia's PoV

Isang mabilis na paghigit ang isinagawa saakin ni Levi. Hindi agad rumehistro saaking utak ang nangyari dahil sa pagkagulat ko sa kaniya.

"Binibing Athyeia!" Sigaw ng isang taong nakakakilaka saakin mula sa tribo ng mga Zhing. Sa puntong iyon ay napabalik ang aking diwa sa lupa.

Sinubukan ko itong lingunin ngunit nakalayo-layo na kami ni Levi.

Naalala ko namang muli ang nagaganap na hidwaan.

"Kailangan natin silang tulungan V!" Natatakot kong sagot. Papaano na lamang kung madamay sila??

"They held you hostage and you want to help them?" Mukhang hindi niya makapaniwalang sagot.

Nagnormal ang pagtakbo nito at maya-maya ay ibinaba na ako. Rinig na rinig ko padin ang putukan ng baril mula sa malapit.

"Wala silang kinalaman Levi." Pagtatanggol ko. Napakabait nang pagtanggap saakin ng mga tao dito. Ni minsan ay hindi nila saakin ipinaramdam na taga labas lamang ako.

"Yangzhe would kill you Athyeia." Bulalas ni Levi at pinalandas ang kaniyang kamay sa itim nitong buhok. "We should go." Muli namang nawala ang ekspresyon nito sa kaniyang mukha.

He walked away from me ngunit imbes na sumunod ay nanatili lamang ako saaking pwesto.

I remembered my days with them and the kindness they showed me.

Hindi.

Tanga na kung tanga.

Ngunit hindi ako papayag na basta-basta nalang dumanak ang dugo nila ng walang kalaban-laban.

Hinding-hindi ko sasayangin ang kanilang buhay.

"Sorry V." Matapang kong sambit. "I can't." Sabi ko at tumakbo patungo sa bungad ng papasok sa tribo.

They are really here for me.

Masaya ako sa isiping iyon ngunit ayaw kong mabuhay nang normal kung mabubuhay lamang ako sa kadahilanang may tinapakan akong mabubuting tao.

"Athyeia!" I heard him calling me.

His voice suddenly felt so far away.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko oras na pumunta ako sa bungad ngunit isang bagay lamang ang naisip ko.

Ang magmakaawang itigil na ang hidwaan.

I might kill myself in the process ngunit kung may pumayag na isang grupo, baka sakali. Baka sakaling matigil ang gulong ito.

"Stop this!" Malakas kong sigaw habang patuloy na tumatakbo.

Nakita ko naman agad ang likod ni Yangzhe.

He told us to go away, he told the tribe to go away. Malinaw ang naisin niyang hindi madamay ang lahat ng inosenteng tao na naandito.

"Yangzhe!" Sigaw ko at hinigit ang braso nito.

"Anong ginagawa mo dito?!" He shouted. He seemed as if he was taken aback.

Hindi naman nakatakas sa gilid ng aking mga mata ang balang muntik nang tumama sa kaniya.

I pushed him away.

Muntik na...

"Sumuko na kayo! Madaming mapapahamak kung hahayaan mo lang na mangyari ito!" Mula pa lamang sa mga dagundong ng paang naririnig ko kanina ay napakadami na ng tauhan dito ng palasyo.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari at aanim lamang silang naglalaban ngunit ramdam kong oras na may masugatan sa anim na lalaking magkakaharap na ito ay magaganap ang malaking hidwaan.

"Just drop down your gun! Sadya bang nagtatanga-tangahan ka?! Kung ipagpatuloy mo ito paniguradong madami ang mamamatay! Hahayaan mo bang mapahamak ang lahat dahil lang sa hindi ka maalam sumuko?! Hahayaan mo lang ba silang mamatay?! There is still a chance Yangzhe."

I was almost crying as I shout those last words at Yangzhe habang nakagulong sa magabok na lupa. Yangzhe seemed to get what I was saying, naramdaman ko ang paglambot ng kaniyang hawak sa gantsilyo ng baril.

Thanks God.

"Drop you guns!" Malakas na sigaw ng isang boses bago ang huling putok.

It was too late when I noticed that it was a shot meant for Yangzhe. Ngunit nasa harapan ako nito.

Pareho kaming nakaupo sa lupa at nagulat sa nangyari at mangyayari.

Wala akong nagawa kundi ang ipagkrus ang aking mga braso sa harapan ng aking dibdib at tiyan na animo ay nagdadasal na hindi ako matamaan ng balang iyon.

"Athyeia!!!"

Vote. Comment. Thanks for reading!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon