Kabanata XXIV: Punyal

3.6K 206 5
                                    

Alaina's PoV

"Sige po manong. Sa tabi lamang po.." Sabi ko sa dyip na aking sinasakyan.

"Ingat ka iha." Paalam nito saakin bago ako tuluyang makababa.

Ako na lamang kasi ang huli niyang pasahero, alas-nuwebe na din kasi ng gabi at mabuti nalang ay nakuha ko pa ang huling pasada patungo sa Ciudad Azturias.

Ang sentrong bayan noon ng aming bansa.

Ang bansang tinatawag na La Vida Eterna.

Binuksan ko ang aking payong at sinuot ang hoodie ng aking suot na jacket.

Malakas padin ang ulan tulad ng kahapon ng gabi. At kasing lakas ng hangin ngayon ang hangin noong huli akong tumapak sa mundo ng nobela.

Kakaunti nalang ang bukas na tindahan sa plaza ng Ciudad Azturias, nagpalaboy-laboy lamang ako habang hinahanap ang bahay noong mahiwagang Lola na nakilala ko noon.

Hindi naman ako nabigo ng makita ang isang tindahang may nakasulat na: Misticá.

Itinapat ko doon ang flashlight ko sa nakasarado noong pinto.

Klaseng huli na ako....

Wala naman ako gaanong dalang pera dahil tumakas lamang ako kina Mama.

Ang pakay ko dito ay iyong mahiwagang kutsilyo.

Hindi ko alam kung sino ang gumamit noon ngunit malakas ang kutob kong kilala ko kung sino iyon.

At ngayong wala siya, panigurado akong wala pading gumagalaw ng relikang ninanais ko.

I heaved out a sigh and sat down the stone-paved streets.

I can wait.

Everyone, please wait for me.

Someone's PoV

Sa isang madilim na silid, doon ay nakaupo ang isang babae. Isang babaeng may kaharap na papel at hawak na panulat.

Ang babaeng may kagagawan ng lahat.

"Napakaswerte mo Alaina..." Naiinggit niyang sabi. Huminga ito. "Napakaswerte mo."

Alaina's PoV

Dahil sa lamig ng hangin at sa ilaw na tumatama sa aking mukha ay dahan-dahan akong nagmulat.

Basang-basa na ang aking buhok at ganoon nadin ang aking damit.

Kani-kanina lamang tumila ang ulan at kani-kanina lamang ako tuluyang nakatulog.

"Iha?" Tawag ng isang tao.

Napatingala ako sa matandang saaking pakiwari ay tumatawag saakin.

Binigyan ako nito ng isang ngiting napupuno ng magandang loob. "Gusto mo bang pumasok?"

Isang marahang tango ang ibinigay ko sa kaniya bago sumunod.

Maya-maya ay pinadiretsyo ako nito sa pinakaloob ng kaniyang bahay.

"Athyeia." Banggit niya na saglit na nakapagpagimbal saakin. Ngunit agad din ako ditong ngumiti.

"Opo."

What happened was out of the ordinary already. Kailangan kong pigilan ang sarili kong magulat sa mga ganitong bagay.

I should also stop thinking that I might be going crazy.

"Kayo po? Ano po ba ang pangalan niyo?" Tanong ko dito nang nahihiwagaan.

"Thea." Sambit nito. She paused for a while. "Maaari mo akong tawaging Lola Thea." Dagdag niya at binaba ang isang tasa ng mainit na tsokolate saaking harapan.

"Salamat po." Kinuha ko agad iyong tasa, at marahang hinipan bago uminom. "Lola Thea, papaano niyo nga po pala nalaman na hindi ako taga panahon niyo noon?"

Umupo si Lola Thea saaking harapan. Base sa amoy ng kaniyang tsaa, iyon ay pinakuluang Camellia.

Hinipan niya iyon at hinigop.

Halata sa bawat galaw niya na aral na aral niya ang tamang etiquette.

"Sabihin nalang nating kilala ko ang Tunay na Athyeia." Sagot niya at binigyan ako ng isang misteryosong ngiti.

"Talaga po? Ano po ba ang ugali ni Athyeia?" Medyo nacurious tuloy ako.

I know the memories of Athyeia, ngunit iilan lamang iyon at halos lahat ay galing sa libro, kahit ang paguugali ni Athyeia ay hindi ko kayang basahin. Kaya naman nagtataka talaga ako at napapaisip kung sino ba talaga siya.

At klaseng nakilala ni Lola Thea ang tunay na Athyeia.

It might be bluff but what she says might also be a fact.

Wala akong magagawa kundi ang magtiwala.

Tiningnan ni Lola Thea ang kaniyang tsaa na tila ba may inaalala.

"Si Athyeia..." Banggit niya sa pangalan. Binuka niyang muli ang kaniyang bibig upang magsalita. "Tahimik at mahinhin ang batang iyon. Mahal na mahal din niya ang kaniyang mga magulang.."

Kung ganoon, ano kaya iyong sinasabing dahilan ni Li-Em sa libro tungkol sa pagkawala ng kaniyang ate?

Na nagdala sa kanila ng labis na hinagpis?

"Masaya siya at kontentong-kontento na sa kaniyang buhay na puno ng kasiyahan at pagmamahal."

"Alam niyo po ba ang dahilan kung bakit po siya umalis?"

"Dahil masyado siyang nakuntento at nasawa." Sambit ni Lola Thea. Nasawa?

"Saan po?"

"Sa lahat ng bagay." Huh?

Nagkibit balikat ang matanda at muling uminom ng kaniyang tsaa. "Iyon ang huli niyang sabi bago siya mawala."

Mawala?

Kung ganoon ay saan siya pumunta? Nasaan na siya ngayon??

Sa gitna ng aking pagiisip ay biglang may kuminang na bagay saaking harapan.

Iyon ay isang kutsilyo.

"Hindi ba at ito ang pakay mo?" Sabi ni Lola Thea pagkatapos niyang itulak papalapit ang isang kahong kulay ginto.

Napalunok naman ako.

"Papaano niyo po.."

"Matagal na akong nabubuhay iha. Alam ko na ang pasikot-sikot sa bawat utak at puso ng mga tao." May himig niyang sambit. "Ano Alaina? Babalik ka ba??"

Napatingin ako sa kulay berdeng mga mata ni Lola Thea.

"O mas dapat ba kita tawaging Athyeia?"

Napapikit ako nang maalala iyong mga katagang sinabi ni Mama.

"Tulad niya, gusto kong lumaki kang matapang at walang pagaalinlangang namumuhay ayon sa iyong gusto."

Vote. Comment. Thanks for reading!!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon