Kabanata XXI: Back

3.7K 222 8
                                    

Athyeia's PoV

"Mahal na prinsipe!!" Alalang sigaw ni Butler Vien nang salubungin niya kami sa harap ng manor.

Behind him, I saw Jeremiah smirking widely while looking at us. Sa tabi naman niya ay si Laura na bakas sa mukha ang pagaalala.

I can't help but bit my lip when I saw the dried blood that dripped from his right temple.

Aww, klaseng grabe talaga iyong pagkakahampas ko sa kaniya ng tambo.

Nilagyan ni Butler Vien ng malinis na tuwalya si Levi sa kaniyang ulo at pinaupo ito sa isang malapit na sofa.

He seemed frozen and in shock.

I found myself worriedly staring at him pero binawi ko nanaman nang nagtapat muli ang aming mga mata.

I remembered the way I cried in front of him earlier at nahihiya ako.

I even straddled him.

Ugh! Hindi ba at napaka-improper noon?! For a sixteen year old lady to do that without any restraints!

I must be out of my wits!!

"A towel milady?" Saad ni Butler Vien noong ako na ang kaniyang dinaluhan.

I blinked twice when I suddenly felt the ambiguity of my sight.

"S-Salamat po." I thanked him at tsaka inabot iyong tuwalya.

I wiped my half-wet hair with it. Nabasa iyon dahil sa ambon.

I also think that it is because of that kaya naman marahang tumitibok ang aking ulo.

"Are you okay Athyeia?" Questioned Jah. Katabi niya si Laura. "You seem pale." Napangiti ako.

"Ako nga dapat ang nagtatanong niyan. Ang laki ng sugat m—"

"Butler Vien! Sila po iyon! Sila po iyong mga hindi pamilyar ang mukhang pumasok sa manor!!!" Cold wind passed through my neck when I heard that voice.

Dahan-dahan kong nilingon 'yung boses.

Iyon iyong lalaki kanina!

Remember? 'Yung inagawan namin ng tambo at dustpan??

I was about to answer him when for the second time, my sight went hazy.

What's happening??

Alaina's PoV

"Alaina?" Napamulat ako ng mga mata ng may tumawag saaking isang pamilyar na boses. "Alaina!! Doc!! Doc!!!"

I moved my hands towards my chest.

Napakasakit noon.

"T-Tubig..." Bulong ko habang kumukurap-kurap at pinapamilyar ang sarili ko saaking paligid.

"Sandali 'nak." Sambit ni mama at nagmadaling ikuha ako ng tubig. "Kaya mo bang umupo?"

Inalalayan ako ni mama na umupo sa isang hospital bed.

"Mama b-bakit po tayo nandito?" Tanong ko pagkainom ko ng tubig.

All I remember was that I was running away from the church.

At doon ako nasaksak.

I froze and touched the wound on my waist. Iyong lugar kung saan ko natandaang may bumaon noong gabing iyon.

"M-May nanakit sa'yo anak." Sabi ni mama na mukhang maluha-luha na. Niyakap niya ako at ipinatong ang ulo ko sa kaniyang dibdib. "Mabuti na lamang at gising kana. Pinagalala mo kami ni Papa..." Bulong niya at marahang hinalikan ang aking ulo.

"Bakit po? Ano po ba ang nangyari??" Nakakunot-noo kong tanong.

Lumayo si mama saakin at hinawakan ang mga pisngi ko.

"Halos dalawang buwan ka nang walang malay. Kaya labis ang galak kong bumalik kana." Sabi ni Mama na dahilan ng panlalaki ng aking mga mata.

"Po?" Hindi ko makapaniwalang sambit. "Dalawang buwan po?"

"Oo anak, dalawang buwan." Lumayo saakin si Mama at pumunta sa isang lamesa. "Sandali lang at bibili ako ng pagkain sa baba. Magpapaload din ako para sabihin mo sa papa mo na okay kana."

"O-Opo." Sabi ko sa kaniya.

Kinuha ni Mama ang cellphone sa may lamesa at ibinulsa iyon.

Lalabas na sana siya ng pumasok ang isang doctor.

"Miss Abreo!" Masayang sambit noong doktora. Lumapit siya saakin. "I am happy to see that you've woken up now."

"Salamat po." Sabi ko sa kaniya.

May mga ginawa ang doktora na kung ano-ano saakin. I think she's checking my vital signs. "Ano po doc?"

"Apart from slight malnutrition, wala na akong nakikitang mali. We're gonna keep watching her for a day and after that, you guys are free to go home." She said to mom. Kita ko naman ang napakatamis na ngiting nakapaskil sa mga labi ni Mama. Halatang masayang-masaya siya.

"Salamat." Masayang sabi ni Mama bago lumabas ang doctor. "Sige anak ha, ibibili lamang kita ng makakain." Sabi ni mama at maya-maya ay sumunod nadin palabas ng silid sa ospital.

Napatingin ako sa bintana ng ospital, it was raining heavily. Nagkukulugan at nagkikidlatan.

Bumukas muli ang pinto, pumasok muli si Mama. "Nakalimutan ko ang payong." Sabi niya na tinanguan ko nalang. "Rest first Alaina. Mabilis lang ako." She said and have gone out once again.

Ginawa ko ang sinabi ni Mama.

I didn't do anything but I feel so restless.

Malayo ang tanaw kong tiningnan ang kalangitan.

Why do I feel as if I'm forgetting something important?

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon