Kabanata XXXIX: Sa Baryo

2.4K 150 3
                                    

Nero's PoV

Tahimik akong nakaupo at nagbabasa ng mga papeles sa loob ng aking opisina nang biglang dumating ang nakababata kong kapatid.

Ang mukha nitong tila bato ang bumulaga saakin. "Levi! Namiss mo na ba ang kuya mo?!" Masaya ko siyang pagbati at itinaas ang dalawa kong kamay sa hangin, nagaantay ng kaniyang yakap.

Ngunit imbes na yakap ay ang palad niyang lumagapak saaking mesa ang kaniyang sinagot.

"Give me all the letters you've received from Yangzhe." Napataas ang aking kilay.

"Are you planning to attack him?" Mabilis kong tanong. His gaze pierced through me.

"Just give it to me." Napahinga ako. So he ain't planning on telling me the reason why.

Napakibit balikat ako sa kaniya. "Sadly, unfortunately, sinunog ko lahat ng sulat mula sa kaniya." Makatotohanan kong sagot. "All the letters we received from Yangzhe and those people pretending to be Yangzhe was all full of evil intent. It made me tired at wala akong balak lumaban kaya naman pinasunog ko lahat."

Inaasahan kong magagalit ang aking kapatid dahil saaking mga sinabi, but instead, nagpalabas lamang ito ng isang malalim na buntong hininga. "Do you know from what location those letters are from?"

"Hindi ka galit?" I questioned him. Umiling naman ang kapatid ko saakin.

"Why should I be? Tapos na. Hindi ko na iyon maibabalik pa." Walang pagaatubili niyang sagot. "What's important is now."

Hindi halata but my brother is quite optimistic.

"Anyways, I still-"

"How about you Kleif? May alam ka ba??" Baling nito sa sekratarya kong si Kleif na dahilan ng aking pagkaputol sa sinasabi.

"How rude. So mas ineexpect mo na mas may alam siya kesa sa kuya mo?!" I pouted. Pretending to be bothered.

"Of course. May kwenta ako." Kleif whispered. I gazed at her.

"Anong sabi mo?"

"None your highness." She formally replied. I once again pouted.

Wala daw pero meron naman! Hmf!

"Kleif?" Levi asked once again. Tumango naman si Kleif.

"The letters were sent from the Southern Regions of Poadence. Knowing Yangzhe, he probably didn't use his real adress so I advice that you look unto the surrounding places of the city. There is one note in particular, it was also from Yangzhe but it was from a location of a small tribe namely Zhing." I smiled.

My secretary never fails me.

Minsan naiisip ko na baka mas matalino siya saakin, meh, but that is impossible. Mas magaling padin ako.

"How did you know all of that?" Tanong ko dito. She fixed her glasses.

"Maybe because I was the one you assigned to burn those letters." Eh? Sadyang sinaulo niya pa ang mga pinanggalingan noon?

"When did you learn to be so calculating??" I frowned. "I'm so jealous, I feel threatened." Malungkot kong sabi at nangalumbaba sa aking lamesa.

Pinanood ko naman ang likod ni Levi na papaalis na. I rolled my eyes. Hindi man lamang nagpasalamat.

"From you your highness." Sambit nito na dahilan ng pagbabalik ko sa kaniya ng aking mga titig.

Too observant.

Tsk!

Athyeia's PoV

"Then please, let me help."

Iyon ang hiningi kong pabor kina Lola Liway kagabi. I know I shouldn't be this carefree lalo na at nasa brink nanaman ako ng kamatayan.

Pero agad kong naisip.

If I die, I better die helping others. And maybe even saving their lives.

"Sigurado ka na ba dito iha?" Nangangambang tanong ni Lola. Malamang ay natatakot din siyang baka mahawa din ako ng sakit. I nodded at her.

"Siguradong-sigurado po!"

And that is how our busy day began.

Yangzhe's PoV

"Get ready. Ayaw kong patanga-tanga kayo oras na dumating ang Azturias na iyon." Mariin kong sabi saaking mga tauhan.

Nandito kami sa bungad ng papasok sa gubat patungo sa tribo.

To reach me, malamang ay tiningnan na noon ang mga posibleng lugar na maaari kong mapagdalhan sa babae niya.

We are waiting to ambush him.

Just his death is enough to instill fear towards everyone.

"Yangzhe, sigurado ka bang hindi tatakas iyong si Athyeia?" Tanong saakin ni Ezekiel habang nakadekwatrong nakaupo.

"Hindi tanga ang babaeng 'yon. She probably know na wala siyang mapapatunguhan oras na tumakas siya." Sigurado kong sabi habang hawak-hawak ang aking teleskopyo upang magmasid.

"Ikaw na mismo ang nagsabi Yangzhe. Hindi tanga si Athyeia. Paano mo nasisiguradong hindi gagana ang utak ng babaeng iyon basta-basta??"

Lola Liway's PoV

Natutuwa kong pinapanood ang dalagang si Athyeia habang nagbibigay ito ng makakain sa mga taong parte ng aming tribong may sakit.

"Napakabait po ni Ate di'ba po Lola?" Saad ng apo kong si Iryang. Tumango ako sa kaniya.

"Magaling pumili ang kuya mo Iryang!" Hatol naman ni Hessiah na may bitbit na bagong pamalit ng damit. Mga damit na mamaya ay isusuot namin isa-isa sa mga may sakit. "Ang swerte natin kung siya ang magiging susunod na punong bae ng ating tribo. Matulungin, marunong makisama, maayos magpasya at napakaganda!"

Si Yangzhe ang susunod na hahalili sa trono ng pagiging pinuno ng aming tribo oras na bumitiw ako. Ngunit may kapalit iyon. Gusto ko muna siya makitang panatag na bago ko ipasa sa kaniya ang pwesto na iniwan saakin ng kaniyang Lolo at Ama.

"Tama ka po Ate!" Natutuwa namang sambit ni Irya.

"Mabuti na lamang at hindi siya katulad ng ibang bae na labis ang pagkaarte. Naalala ko nanaman tuloy iyong dinala ditong babae nina Kuya Ezekiel, yung napaka-arte at napaka-mapuna. Akala mo kung sino." Malamlam na tiningnan ko si Hessiah.

"Gayon pa man, hindi dapat natin siya kaagad na husgahan Hessiah." Pangangaral ko. Mukha namang nakuha niya ang aking punto.

"Maging sino man ang tao, ano man ang ugali nito, wala tayong karapatang bigyan siya ng kahit anong depinasyon." Sambit ko upang mas maintindihan niya. Lalo na si Irya na batang-bata pa. "Lalo na kung hindi naman tayo ang namuhay ng kanilang buhay na nagwangis at bumuo sa kanilang pagkatao."

Nakita ko ang pagtungo ni Hessiah at Irya. "Naiintindihan na po namin Lola." Saad ni Irya.

"Pasensya na po kung ganoon na lamang ang iniakto namin." Napangiti ako sa sinabi ni Hessiah.

"Itaas ninyo ang inyong ulo at ipagmalaki niyo ang inyong mga kamalian. Tandaan ninyo, kung hindi kayo magkakamali, hindi kayo matututo."

"Opo lola." Sabay nilang sagot saakin. Masaya at marahan ko namang tinapik ang ulo ng dalawa.

Naalala ko ang apo kong si Yangzhe.

Sana ikaw din apo. Sana ikaw din ay mapabuti lalo ng mga pangyayaring bumubuo sa iyo.

Vote. Comment. Thanks for reading!

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon