Kabanata XXXVIII: Rason

2.5K 155 4
                                    

Athyeia's PoV

Simula noong mahuli kami ni Irya na nagkakagulo ay hindi na muli pang nakipagaway iyong tatlo.

Napapaisip nga ako kung hostage ba talaga ako o hindi dito. Bakit? They delivered clean clothes for me, tapos ay palakwento saakin si Irya at mainit talaga ang pagtanggap niya saakin.

Bukod pa doon ay naimbitahan din akong sumama sa sabay-sabay na pagkain ng hapunan maya-maya.

At habang nagiintay kami ay nagsimula na ang mga taong pumaikot sa isang apoy. Dahil doon, nagawa kong magmasid-masid sa paligid.

Napakaganda ng yari ng mga kabahayan dito sa lugar na ito. Gawa sa mga kawayan ngunit halata ang tibay.

Noong bumababa na ang araw at sumilip na ang ilang mga bituwin ay napuno lalo ang lugar ng mga tao.

Hindi nagtagal, sa ilalim ng buwan, ay nagsimula na ang orasyon para sa pagkain.

"Awee! A! Ah! Aweee!!" Sigaw ng mga matatandang parte ng tribo habang sumasayaw paikot sa isang malaking kawan.

"Anong ginagawa nila??" Napapaisip kong tanong kay Iryang. Iryang ang buong pangalan ni Irya para sa mga hindi nakakaalam. Tinanong ko kung anong ginagawa nila kasi hindi ko naman talaga maintindihan at nacucurious ako.

"Nagdadasal po sila sa mga diyos ng kalikasan upang basbasan po nila ang ating kakanin." Paliwanag nito nang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa talyasing pinapakuluan.

I see. So bale parang 'Bless us, O' Lord.' Ang pinagkaiba lamang, sumasamba sila sa mga diyos ng kalikasan.

Iyon siguro ang kanilang relihiyon. "Aweeehhh, A-a! AWEEH!" Sabay-sabay na sigaw ng mga tao dito pati nadin si Irya habang tinataas ang dalawang mga kamay at 'saka tumungo, tsaka muling tumunghay.

Kahit hindi makasunod at nalilito, ginawa ko din ang kanilang ginagawa. Bilang pagrespeto sa kanilang kultura.

Maya-maya, tanging mga tambol sa maliliit na drum na lamang ang naririnig. Unang umikot ang isang batang lalaking nakabahag, may dala siyang isang malaking palanggana na saaking palagay ay may tubig.

Doon kami nag hinaw ng aming mga kamay.

Namigay ng platong gawa sa malinis na bao ng niyog ang ilan pang matatanda, nagsimula namang pumila ang mga tao papaikot.

"Halina Ate Athyeia, kumain na po tayo." Aya saakin ni Irya, kaya naman noong siya ay tumayo ay pumila din ako kasunod niya.

Nagsimula ang kainan.

Habang tahimik na kumakain ang iba, ang iba naman ay masayang nagkukwento ng mga naganap na pangyayari ngayong araw na ito.

Bukod kay Irya, pati sila ay binati at kinausap din ako.

"Ano ang pangalan mo iha?" Tanong ng isang matandang babae, sa aking palagay ay siya ang pinuno ng tribong ito.

Nangunguna kasi siya sa lahat ng bagay na isinasagawa, isa pa, siya din ang pinakamatanda. Mas kulot na ang kaniyang balat at mas mahinhin kung kumilos sa iba ngunit dama mo na mataas ang padin nilang pagrespeto dito.

"Athyeia Abarca ho ang aking pangalan." Magalang kong pakilala sa kaniya. Binigyan ako nito ng ngiti.

"Masaya kaming makilala ka Athyeia. Ako muli si Liway." Pakilala nito saakin

"Paano po kayo nagkakilala ni Kuya Yang?" Tanong bigla ng isang batang lalaki.

Nahihiya ako ditong ngumiti. Paano ko ba sasabihin? Na hinahabol ako noong tatlong unggoy na iyon??

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon