Kabanata XXXIV: Ang Pangalawang Libro

2.6K 151 2
                                    

Athyeia's PoV

After writing my letter for Levi, masaya ko iyong inilagay sa drawer ng kaniyang wrting table.

Paniguradong walang makakakita noon kung hindi siya, I feel that he is a very private person. At sana ay makita niya iyon kaagad, mabuti na lamang at walang kalaman-laman ang drawer na iyon.

I hope he understands my point from that letter.

Dumiretsyo ako sa walk-in closet ni Levi, the place was booming with his scent. And yes, I almost turned one-hudred percent doggie pero mas pinili kong pigilan iyon.

Weird ba na mabanguhan sa lalaki? To the point that you want to be intoxicated with his scent??

I don't know. This is the first time I experienced it.

Hindi ko mapigilang mamangha habang pinagmamasdan ang loob ng damitan ni Levi, napakamaayos ng kaniyang mga damit. Everything is placed and hanged well, pati ang kaniyang mga sapatos.

My eyes laid down the dress he once again brought for me.

I thought of treasuring the one he and his brother gave me for the ball ngunit mukhang hindi ko na iyon magagawa.

Someone changed my outfit for me when I was asleep, isa pa, sira-sira at pilas-pilas na ang damit kong iyon.

I locked the dresser and got out of the clothes I am wearing. And then I changed into the new one, gusto ko sanang maligo but paguwi ko nalang siguro.

Mabuti nalang at hindi ako kaagad namamaho.

"Babae ka tas napaka burara mo! Yuckk!!"

Mahina akong napatawa nang maalala ko iyong sinabi saakin ni Hyacinth. Lagi niya akong sinasabihan ng ganoon dahil tamad ako maligo tuwing weekends.

"Ang kipipay mong gaga ka! Kahit 'yun lamang ang linisin mo! Diyos ko po!" Sigaw nito at hinagisan ako ng nakuha niyang malinis na panty ko mula saaking durabox.

Hyacinth was one hell of a great friend, kaya naman ganoon nalang din ang pagmamahal ko sa kaniya.

She's so much fun as well as caring.

I never had any siblings so I treated her as one, kahit naman siguro meron, kapatid padin ang magiging turing ko kay Hyacinth.

Even with Li-Em on my side right now, kapatid padin ang turing ko kay Laura.

They are one of the best persons I know.

I wonder about Li-Em though, I never met her in my life as Alaina.

Kilala ko sina Mommy and Daddy, they are also like Mama and Papa, magkatulad na magkatulad, but I never had a baby sister.

Nakilala ko nadin si Jah at Hyacinth which is Doctor Jeremiah and Laura, ngunit never kong nakilala sina Levi at Jae-Ha.

If we were to meet as Alaina, I wonder who will they be??

I'm pretty excited but that's all probably just wishful thinking.

I don't know where I will go from here.

Nalinaw ko na kay Levi na lumayo na siya saakin, so from now on, I wonder what I must do??

And then it hit me.

I travelled back in time.

Maybe, if I am able to continue to write the other book, which was Alaina's diary, my mother might be able to read it.

My mother might be able to read it.

Nanlaki ang mga mata ko sa napagtanto ko saaking isipan.

So all this time...

Mrs. Veranno's PoV

"Mahal," Tawag saakin ng asawa kong si Nali. Nakangiti ako sa kaniyang tumingin. "Iniisip mo nanaman ba si Alaina?" Sambit nito habang inaamoy ang aking leeg.

Yumakap siya saakin mula saaking likuran.

Nakaupo ako ngayon sa kama ng aming kwarto habang pinapanood ang maulang kapaligiran. Malayo ang tanaw, pinapanalanging sana ay ligtas ngayon si Alaina.

"Hindi ko kasi inaakalang kahit ang simpleng haka-haka ay pwede palang magkatotoo." Sabi ko saaking asawa. Ipinakita ko sa kaniya ang libro ni Athyeia-o mas madaling sabihin, ang libro ng anak kong si Alaina.

"Masaya na siya Mahal, masaya nadin dapat tayo. Hindi ba at iyon ang tuktok ng ating pangarap?? Ang maging masaya ang ating supling?" Tumulo ang aking luha dahil sa sinabi ni Mister. Alam kong dapat akong maging masaya, sa totoo nga ay napakasaya ko para kay Alaina. Ngunit syempre, hindi padin mawawala ang hinagpis na namaalam muna ang aming anak at pumunta sa isang lugar na kailan man ay maaaring hindi na namin siya muling makita. "Naiyak ka na naman."

Yumakap ako sa bewang ng aking asawa at doon panandaliang tumangis.

Alaina.. mahal na mahal ka ni mama.

"Nako Alaina anak, kung naririnig mo man kami. Multuhin mo ang mama mo." Pagpapagaan ni Nali ng aking pakiramdam. Marahan at malambing na paghadhad ang isinagawa niya saaking likod. "Para imbes na umiyak ay umirit nalang 'to. Lungkot na lungkot e." Pagak nadin ang boses nitong sambit.

Alam kong ganiyan lamang siya ngunit kaunti na lamang ay papatak nang muli ang kaniyang mga luha.

Mga luhang hinahayaan niya lamang mahulog sa t'wing tumigil na ako sa pagtangis at namamahinga.

Napamulat ako at hinalikan ang libro ng pinakamamahal naming Alaina.

"M-Mahal, may naisip ako." Sabi saakin ni Nali. Tiningnan ko naman siya ng may luhaang mukha.

"A-Ano??"

"Gumawa na kaya tayo ng Li-Em?" Nakangising sabi nito. Hindi ko naman napigilan ang sariling higitin ang kaniyang patilya. "A-Aray! J-Joke lang!" Nasasaktan nitong sabi saakin.

Marahan akong napatawa.

Hinawakan ko naman ang isa niyang binti. "Tara?" Kunwari ay nangaasar kong sabi at tsaka yumakap sa kaniya.

Para sa iyo anak, hindi pa man kami masayang-masaya, ay pipilitin namin.

Mahal na mahal ka ni Nanay.

Mahal na mahal ka namin.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Where stories live. Discover now