Kabanata 2

856 18 1
                                    

Tahimik lang akong kumakain sa hapag kainan. Habang sila Dad at General Aris ay nag-uusap.

I wonder if sino sino ang nakatira dito sa loob ng mansion?

Mukhang tahimik din.

At nasaan ang Atlas na 'yon?

Patapos na kami nang hindi na ako makapigil pa.

"Excuse me Sir, but... where is he?" Tanong ko kay General Aris na siyang ikinatigil nila sa pagtawa ni Dad.

"Atlas? Oh! My son isn't here. Nasa Air Force pa siya iha, may inaasikaso." Ngiti ni General Aris. Tipid akong ngumiti at tumango sa kanyang sinabi.

Alam ba niyang darating kami?

O isa din siya na walang pake sa magaganap na kasal?

I should talk to him. Asap.

Sinabihan akong magpahinga muna. Habang sila Dad at General Aris ay maglalaro daw ng golf sa likod ng bahay. Kaya naman isa sa mga maid ay dinala ako sa guest room. Napakurap ako sa lawak ng kwartong binigay sa akin.

Organize. Neat. With the mix of minimalist and nature theme.

Not bad.

Nang sinara ang pintuan ng maid ay kaagad akong umaksyon.

Tinignan ko ng maigi ang buong kwarto at baka may mga secret cameras at audios na nakakabit sa paligid.

May isa akong nakuha sa lampshade.

"What a wrong move." Bulong ko sa aking sarili.

Meron rin sa ilalim ng bed.

May nakita din ako sa bathroom.

Dinouble check ko pa at halos nasa kinse ang lahat na iyun. Agad kong sinira at tinapon sa basurahan.

Kinuha ko ang aking maleta para makapag ayos ng gamit. Hanggang sa napatingin ako sa dala kong pistol. Agad kong nilagay ang silencer nito at nilagay sa ilalim ng unan.

May mga dala din akong ibang mga klase ng knife for combat.

Hanggang sa umingay ang aking phone.

Maia's calling . . .

"Hey." Nang sinagot ko ang tawag.

"How's there?" Bungad na tanong nito.

"Boring." Tipid na sagot ko.

"Tsk tsk. How bout your fiancé?" Aniya.

Napairap nalang ako sa kawalan.

"Nasa Air Force daw." Sagot ko.

"What? Wala siya dyan?" Gulat niya. Tumango tango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Maybe he doesn't care too like I do." Kako.

Maia sighed.

"Anyways, we are doing great here. Katatapos lang ng training." Paliwanag nito.

"Just call me if you need anything, okay." Sambit ni Maia.

Tumango ako.

"Okay." Kako.

"Report to me if there's a problem to discuss with." Pahabol ko sa kanya.

"Aye, Captain. Salute!" Paalam ni Maia.

"Salute." Kako bago binaba ang tawag.

Tumayo ako at lumabas tungo sa veranda. Agad dumapo ang sariwang hangin sa aking mukha.

Tumingin ako sa paligid.

Napapaligiran din pala dito ng matatayog na puno.

Sa tingin ko ay malapit na kami sa kagubatan. Halos nakikita ko din ang mga ibang bahay na malayo sa amin.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon