Kabatana 5

801 9 0
                                    

Naglalakad lang kami ng deretso paalis, nang nasa labas na ng bar ay kita ko agad si Maia sa gilid. Napapailing ito. Hinanap ko si Carson at nasa bandang dulo. Kausap nito ang isang lalaki.

Naningkit ang mga mata ko.

Nag-aaway ba sila?

Napatingin ako kay Atlas na may kausap na sa phone. Hanggang sa nakita ako ni Maia at lumapit ito sa akin.

"Sino yong kausap ni Carson?"Bungad na tanong ko.

"Don't know. Maybe the arrogant guy thingy?" Sambit ni Maia na tila hindi ito sigurado.

"Alam mo bang sumugod yang fiance mo? Galit na galit nang nakita kami ni Carson kanina. Hinahanap ka." Bulong nito sakin. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"Fiancé my ass! I don't have that okay?!" Kako ng pasigaw dahil sa inis. Agad napalingon si Atlas roon. Kita parin sa kanyang mukha ang kaseryusohan.

Kasabay naman ng pagbalik ni Carson sa amin. Tila badtrip ito.

Hanggang sa may tumigil na sasakyan sa aming harapan.

"Get in." Ani Atlas.

Hindi ako umimik at walang balak na sanang sundin siya nang tinulak ako ni Maia. Sabay bulong sakin na sumunod nalang total ay masyadong late na at kailangan nang umuwi. Agad namang pumasok si Carson roon. Nang nakapasok ay tsaka naman umupo si Atlas sa front seat.

Tahimik lang kami sa loob sa mga oras na yun. Tumingin ako sa likod at tila may mga iba pang sasakyang sumusunod samin.

His guards? Psh.

Whatever.

Malapit na kami sa hotel nang nagsalita si Atlas.

"Your things are in my room." Aniya. Nagtataka akong napalingon sa kanya.

"What?" Kako. Baka hindi lang ito nadinig ng maayos.

"Your things are in my room." Pag-uulit niya.

In. His. Room?

"Excuse me? Bakit nasa ibang room ang aking mga gamit?" I asked. Tila nagsisimulang mainis.

"Doon ka na matutulog kasama ko-"

"Hell no!" Sigaw ko sa kanya. Napapikit pa sila Maia at Carson dahil sa sigaw ko.

"Calm down, Harper-" Bulong ni Maia saking tabi.

"Why would I? Why would I follow you?!" Sigaw ko ulit. Pero hindi siya nagsalita at nauna nang bumaba sa sasakyan nang nakapag parking ito.

Padabog kong binuksan ang pintuan ng sasakyan at agad lumapit sa kanya.

This jerk?!

"Why are you here anyway?" Kako. Pero tumitig lamang siya sa akin.

"How did you find-" Napatigil ako nang may narealize. The call. It was him. But that was so fast! Ang alam ko ay ilang oras pa ang biyahe galing Air Force o sa mansion nila papunta rito sa Ohio.

"Shit." Mura ko.

"You should go to your room." Aniya kila Maia at Carson. Tsaka niya kinuha uli ang aking palapulsuhan papasok sa hotel. Nagpumiglas ako pero hindi niya hinayaang matanggal ang kamay niya sa akin.

"Let me go!" Sigaw ko hanggang sa nakapasok na kami sa tinutukoy nitong room.

Binitawan niya ang aking kamay. Kita ko tuloy ang pamumula roon.

"Ano ba?!" Sigaw ko ulit sa kanya.

"What?" Pagsusungit nito.

"The hell is wrong with you?!" Kako. Tila tumataas baba na ang aking paghinga dahil sa namumuong galit.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant