Kabanata 13

731 14 3
                                    

Several days have passed since Aster left. Bored na bored na ako dito sa mansion. Minsan wala si Atlas. Minsan naman wala si General Aris.

Kaya ang ending, mag-isa lang ako kasama ang mga maids at guards.

Isang hapon tumawag ako kay Dad. Nagtanong kung may bago na bang mission. But instead he just scolded me because of my condition. At bakit daw mission na naman ang iniisip ko.

Kaya naman tinanong ko nalang kung pwede na ba akong bumalik. Kahit sa mga simpleng task lang ako i'assign. Pero ayaw parin niya.

Kinamusta ko sila Maia. Ang sabi ay ganoon parin ang sitwasyon sa base.

Training. Simple task. Arrangements, etc.

Walang bago.

I looked at myself in the mirror. Katatapos ko lang maligo.

Nakatitig lang ako sa aking buong katawan, nakatingin sa mga natamo kong mga sugat sa mga nagdaang mission na napagtagumpayan at nalampasan namin ng aking team.

Hanggang sa napalingon ako sa aking balikat.

Unti unti na siyang nagh-heal.

Ilang araw o linggo pa siguro ito ay maayos na ako.

Nagbihis ako para makakain na nang may kumatok sa pintuan.

"Harper?" Boses ni Atlas ang aking narinig.

Imbes na sasagot ay agad niyang binuksan ang pintuan habang ako naman ay sinusuklay ang aking buhok.

Habang nakatapat sa salamin ay kita ko ang repleksiyon niya roon. Suot ang kanyang uniporme.

Kakauwi niya lang ba?

Napatingin ako sa oras..maaga siya ngayon ah.

"Do you want to go back to our house?" Aniya nang umupo sa kama.

"Why?" Tamad na tanong ko lamang.

"Nothing." Sagot nito na tila pagod na pagod.

"I just thought you're too bored in here." Pahabol nito.

"Hindi mo ba naisip na mas mabobored ako ron?" Kako at tinaasan siya ng kilay.

"Oh? It's that so." Aniya nang hindi ako tinitignan at agad tinanggal ang kanyang pang itaas na damit.

Bumilog ang mga mata ko sa gulat at napalingon sa kanya.

"What the hell are you-" Tumambad kaagad sakin ang kanyang nag-gagandahang katawan nito. I looked for a while at his curve muscled body. With a six packed, no. Almost eight packed abs. Hanggang sa napatingin ako sa kanyang biceps.

Oh god.

"What?" Malambing na nagtatakang tanong ni Atlas. Tila nalilito siya sa aking sinabi.

Imbes na sasagot ay nauna na siyang nagsalita pa.

"No fights today, please? I'm too tired baby." Aniya at tumayo para tumungong bathroom.

Naiwan akong nakanganga roon.

Napakurap kurap ng ilang segundo.

This is the first time I saw his body.

Hindi na nakapagtataka. He's an air force. A jet fighter pilot, indeed. With his training, skills, and all. Kagaya ko doon mo din makikita ang pinaghirapan ng isang tao.

Napalabi tuloy ako habang inaalala ang aking nakita hanggang sa napailing iling.

Nang natapos si Atlas ay kaagad akong tumungo sa dining area para makakain. Agad naman siyang sumunod. Amoy ko tuloy na bagong ligo ito.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon