Kabanata 7

731 11 3
                                    

"Ladies and gentlemen, we are gathered to this glorious day, to witness the union of Atlas Foster and Harper Martinez."

"Please repeat after me." Sabay tingin samin ng judge.

"I, say your name."

Tumingin sakin si Atlas.

"I, Atlas Foster..."

"I, Harper Martinez..."

"Take you Harper Martinez," "Take you Atlas Foster,"

"To have and to hold. For better or for worse." Nakatingin lamang kami sa aming mga mata habang salitan kaming nagsasalita.

Tila seryoso siya at kita ang kakaibang emosyon na pinapakita.

"For richer, for poorer. In sickness and in health."

"To love. To cherish."

Ramdam ko ang kabog ng aking puso habang sinusuot namin ang isat-isa ang aminh wedding ring.

Parang gusto nang kumawala ang aking puso dahil sa lakas ng pintig nito.

"As long as we both shall live." He said in a soft voice.

Hindi ko alam pero parang iba ang nararamdaman ko mula sa kanya.

His eyes. His gaze. His lips.

His words.

...the way he look at me.

"I do." He said.

Napakurap ako saglit.

Maybe the fact that after saying the two words, we are going to be one now.

"I...do." I finally said.

Napangiti ang judge.

"You may now kiss, your bride."

Umigting ang kanyang panga bago siya dahan dahang lumapit sakin.

Ayoko. Gusto kong umiwas. Gusto kong huwag nalang sana. Pero tila may nag uudyok sakin na kailangan itong gawin.

Nang ramdam ko na ang kanyang hininga ay kaagad akong napapikit.

Hanggang sa naramdaman ko nalang ang isang madiin na halik sa aking noo.

Napamulat ako sa gulat.

Nagpalakpakan ang lahat.

"Please welcome, Mr. and Mrs. Foster!" Anunsyo ng judge. Lumingon kami ni Atlas at kita ang ngiti ng mga bisita.

Si Aster ay umiiyak na sa gilid. Si Maia naman ay pula na ang kanyang ilong habang si Carson ay malaki ang ngiti.

Kita rin na naiyak sila Dad. Habang malaki ang ngisi ni General Aris.

Umikot ang mata ko at nakita si Doctor Miller kasama si Colonel Scott. Ngumiti sila sa akin habang nagpapalakpak.

Natapos ang kasal.

May naganap na kaunting program. Napatingin ako sa ilalim ng aking gown. Halos mapainda ako sa sakit sa aking mga paa dahil sa suot na heels. Agad ko iyong tinanggal.

Kumakain na kami nang biglang may nagsalita sa harapan.

Ang lalaking kamukha ni Atlas ang naroroon. Malaki ang ngiti habang nakatingin samin.

"A toast to our beautiful bride, my sister-in-law!" Panimula nito sabay taas ng kanyang hawak na wine glass.

"By the way, I'm Ashton. Atlas's older brother. Nice to finally meet you Harper." Bati nito sakin. Tipid akong ngumiti sa kanya sabay tango.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon