Kabanata 14

752 17 5
                                    

Nagising ako kinabukasan na wala si Atlas sa aking tabi. Hindi na ako nagtaka pa. Siguro'y bumalik sa dating kwarto.

Bumaba ako para makainom sana nang may nakahanda nang pagkain sa lamesa.

"You awake." Si Atlas na nakangiti, suot ang apron hawak hawak ang isang sandok.

Napakurap kurap ako. Tila wala parin sa sarili.

What is he doing?

Lumapit siya at iminuwestro ang upuan. Nagtataka ako nang pinaupo niya ako. Kita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan dahil sa kanyang mga ngiti.

"You hungry?" Aniya.

Tumango nalang ako ng wala sa sarili.

Bumalik siya sa kitchen. Tila may tinatapos tsaka kumuha ng babasaging plato para ilagay ang pagkain.

Napatingin ako sa lamesa.

Omelette. Bacon. Garlic rice. At salad ang mga nakahanda.

Did he cook all of these?

It's only seven in the morning! Masyado pang maaga.

"Let's eat!" Aniya at nagsimulang kumuha ng rice. Aakmang kukuha nadin sana ako ng pagkain nang binigay nito sakin ang platong kakalagay lang ng rice.

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang ito sabay kuha ng isang plato para makakuha uli ng pagkain para sa kanya.

I suddenly remember what he said and what I did lastnight. Umiling ako. What matters is that– I know the whole story now.

Palihim akong tumingin sa kanya.

He passed out that time...it's impossible that he knew what I did.

Nagsimula kaming kumain.

Tahimik lang ako dahil nakapokus lang ako sa aking pagkain. Nang nagsalita ito.

"We'll leave around nine. It's that okay with you?" Aniya sa malambing na tono.

Nalilito akong tumingin sa kanya. Hanggang sa naalala na lalabas pala kami ngayon papuntang Air Force. Tumango nalang ako bilang sagot.

"I'll do the dishes." Kako nang natapos bago uminom ng tubig.

Ngumuso siya.

"Okay then. Liligo lang ako." Paalam naman nito. Tumango ako at nagsimulang maglipit.

Though may maids naman dito sa mansion, nagpresenta akong ako nalang ang maghugas gayong wala naman akong gagawin sa susunod na mga minuto.

Nang alas otso na ay nagsimula nadin akong maligo para makapagbihis. Hanggang sa ilang minutong nakatingin ang sarili sa malaking salamin. Iniisip kung ano ba ang aking isusuot.

Nang hindi makaisip at nakapagtiis, lumabas ako sa kwarto suot lang ang aking roba at tumungo sa guest room.

Dahan dahan akong kumatok bago bumukas ang pintuan.

Nagtatakang napatingin si Atlas sakin. Lalo na sa aking suot na roba.

"What's..wrong?" He asked.

"I don't know what to wear." Kako.

Napakurap kurap siya. Napalabi, bago sumagot.

"Just be yourself, Harper. Wear whatever you want." He answered. Napatagilid ang aking ulo. Hindi padin alam ang isusuot.

"So, kung gusto kong suotin ang uniform namin okay lang?" Pang-aasar ko.

Tipid itong tumawa.

Napakagat ako sa aking labi.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon