Kabanata 11

730 14 0
                                    

Nagpapalit na ako nang may kumatok sa pintuan. Bumungad si Maia roon. Napatingin siya sa aking namumulang balikat.

"Go and visit Doctor Miller, Harper. Ako na ang bahala sa pag impake ng mga gamit mo." Aniya.

"You sure?" Pagtataka 'ko. Tumango ito.

"Yong isang gym bag mo lang naman diba." Ani Maia sabay kuha non. Tumango ako.

"Go. Kailangan mong ipatingin iyang balikat mo." Aniya.

"But I'm fine." Sagot ko. Pero hindi siya natuwa roon.

"Alam mo bang maraming dugo ang nawala sa iyo pagkatapos nong mission?" Aniya. Kita sa mukha nito ang pag-aalala.

"That guy must be something. Not only good in combat. But maybe, assassinating too." Aniya. Umigting ang panga 'ko.

"Good thing he's in jail now. Forever."

"Now go. Ako na ang bahala rito." Ani Maia at nagsimulang kumuha ng aking mga damit. Napabuntong hininga ako bago umalis.

Habang naglalakad ay napapaisip parin ako.

Simula noong pinuruhan ako iyong Ryan ay alam ko nang nasa delikado akong posisyon. Ika nga ni Maia ay maraming nawalang dugo sa akin. Sa aksyon palang ng lalaking iyun ay alam 'ko nang napakadelikado na niyang tao.

"Doctor Miller!" Tawag 'ko kay Doctor Miller nang nakita siya habang nakaupo sa isang hospital bed roon dito sa medical site.

"Harper, napadaan ka?" Aniya.

"I need you to check something." Kako. Pumunta kami sa kanyang office, tsaka ko pinakita ang aking balikat.

Napailing ito.

"Nasabi naman ni Doctor Vasquez kung ano ang result?" Tanong nito. Tinutukoy ang isang Doctor na unang tumingin sakin dito sa base pagkatapos ng mission.

Tumango ako.

"Two to three weeks before it heals." Sagot ko.

Or maybe more?

"Just make sure you apply the given oitment. Take your medicine. Have a rest. And don't move too much." Sambit ni Doctor Miller. Tumango tango ako.

"Harper, kaunti nalang ay hindi mo na maigagalaw ng maayos ang buong kamay mo." Aniya.

Natahimik ako.

"Kaya kailangan mong magpahinga. Huwag ka munang mag gym. O tumuloy sa training." Sagot ni Doctor. Napalabi ako.

"I'll inform your Dad about this. Though meron na siyang idea." She said.

I sighed.

"Thankyou, Doctor Miller." Kako at binigyan siya ng ngiti. Ngitian niya ako pabalik ngunit ang mga mata nito ay nag-aalala.

"I always see your Mom on you." Aniya at hinaplos ang aking pisngi.

Napangiti ako.

Tahimik lang ako sa sasakyan nang hinatid ako nila Milo at Maia nang paalis sa base.

"Ano ang idadahilan mo dyan sa balikat mo, Cap?" Si Milo na nasa driver seat.

"Sabihin mo na injured ka habang nagt traing tayo." Suggest naman ni Maia na nasa front seat.

Hindi ako umimik. Tahimik lamang akong nakatingin sa bintana habang nadadaanan ang mga matatayog na kakahuyan dito sa Idaho.

Ilang oras lang ang magaganap ay hindi ko na naman ito makikita ng ilang araw.

Nagising na lamang ako nang malapit na kami sa bahay. Ni hindi 'ko namalayan na nakatulog pala ako. Napakagat ako sa aking labi dahil sa naramdamang hapdi sa aking balikat.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Where stories live. Discover now