Kabanata 8

757 14 0
                                    

Nagising ako sa katok mula sa pintuan. Bumangon ako at natulala saglit. Right. Nasa ibang bahay na pala ako.

Bumaba ako mula sa kama upang buksan ang pinto.

Si Atlas. Wearing his white t-shirt and jersey shorts. Habang hawak hawak ang kanyang mug.

"Breakfast." Aniya.

Hanggang sa napatingin siya sa aking katawan. Napatingin rin ako. Halos makalimutan kong suot suot ko ang binigay na lingerie ni Aster.

Napalabi ako.

"U-uh, susunod ako." Utal ko at aakmang isasara na sana ang pinto nang muli siyang nagsalita.

"Some...soldiers are in here. One of them is your friend." Aniya. Kita sa mukha niya ang pagtataka.

Nakatingin lamang siya sakin. Tila may gusto pang sabihin pero hindi niya ito masabi. Tumango nalang ako bago sinarado ang pinto.

Napatingin ako sa orasan.

Ang aga naman nila? Akala ko mamayang hapon pa.

Tumunog ang aking phone. Napatingin ako ron at isang message mula kay Maia.

"We're downstairs. Hurry up. We need to go, asap." Basa ko.

Agad akong tumungo sa bathroom para makaligo. Nang natapos ay kinuha ko ang aking unipormeng nagsisilbing pangitain na isa akong sundalo.

Napatingin ako sa aking palaging suot na dog tag.

Martinez, Harper A.
00156078249113
O - 3
AB

Huminga ako ng malalim bago sinuot iyun bago tinali ang aking buhok.

Pansin ko ang suot kong singsing sa aking kamay.

Napakagat ako sa aking labi at hinayaan nalang suotin ang wedding ring.

Bumaba ako papuntang salas. Kita ko agad si Maia na nakaupo sa sofa kasama si Milo at Keegan. Nasa harapan naman nila si Atlas na kalalapag lang ang binigay na sa tingin ko'y inumin at pagkain.

Agad tumayo sila Milo at Keegan nang nakita ako.

Sinenyasan ko silang umupo uli. Samantalang si Maia ay nataranta at pinaupo si Milo at Keegan.

They can't salute me in front of him.

He shouldn't know.

Napalingon si Atlas sakin. Hanggang sa napatingin siya sa aking suot na uniporme kagaya nila Maia. Tumungo ako sa sofa kung nasaan sila tsaka umupo.

"Well, we just wanted to give our presents!" Si Maia sabay turo sa mga regalo na nasa gilid. Napa O ang aking labi.

Napalingon ako kay Milo na tila sinesenyasang ipakilala ko sila kay Atlas gamit ang kanyang mga mata.

"Oh! Um, this is Milo Sanders and Keegan Reed. I'm sure you know Maia. Maia Cox. All of us are members of our own unit." Pakilala ko. Tumango tango si Atlas bago nakipagkamayan sa kanila.

"Atlast Foster." Pakilala ni Atlas sa kanyang sarili.

"So...are you ready?" Si Maia na hindi na makapaghintay. Tahimik lang naman si Keegan sa kanyang tabi.

"Ready for what?" Takang tanong ni Atlas sabay tingin sakin.

Napalabi ako.

Aakmang magsasalita na sana ako nang nagsalita muli si Maia.

"For the training." Aniya.

Kumunot ang noo ni Atlas.

"Training?"

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon