Kabanata 3

844 15 2
                                    

Nakatutok parin ang hawak kong baril sa kanyang ulo.

Nakaigting ang aking panga dahil sa namumuong galit sa kanyang presensya.

"First meeting with my wife. And this is what you are doing." Aniya tsaka binaba ang kanyang kamay.

Wife?

"I'm not your wife." Pagtatama ko tsaka binaba ang baril.

"You will be-"

Hindi na ako nakapagpigil pa at binigyan ko siya ng malakas na suntok.

Basag tuloy ang kanyang labi.

"That's for what you did to me years ago." Kako at umalis.

Tumungo sa kama habang inaayos ang aking baril tsaka nilagay uli sa ilalim ng unan.

"Can't move on? We were only teens then, Harper." Aniya.

Kunot ang noo kong lumingon sa kanya.

"You don't know anything!" Sigaw ko.

"Kinuha mo ang loob ko! You said you love me?! I fell inlove with you..."

"Then you dumped me you stupid jerk?!" Kako at hindi ulit nakapagpigil at kinuha ang knife tsaka binato sa kanya.

I expected that he dodged.

He's from Air Force after all.

Nakailag nga siya.

Kumuha uli ako ng isa tsaka binato uli sa kanya. Nakailag siyang muli pero sa ngayon ay unti unting lumapit sa akin.

Ibabato ko na sana ang isa pang knife sa kanya nang pinigilan niya ito gamit ang kanyang kamay.

Tumulo ang dugo mula sa kanya.

Habol ko tuloy ang aking hininga.

Tinanggal niya ang hawak kong knife at binato ito sa kung saan.

"Stop it. You are making me crazy." Aniya sa kalmadong tono.

Taas baba na ang aking paghinga dahil sa galit.

Napatingin ako sa kamay niyang may sugat.

"Let's talk later. I'm tired." Aniya. Aakmang aalis na sana siya nang nagsalita ako.

"No. We need to talk. Now." Pilit ko.

Napabuntong hininga siya bago tumingin muli sakin. Kinuha niya ang kanyang panyo at iyun ang ipinulupot niya sa kanyang kamay. Kinuha ang upuan para makaupo.

"Talk then." Si Atlas.

Kinalma ko muna ang aking sarili at naupo sa kama.

"I know you are against this marriage..." Panimula ko.

"What is your plan?" Tanong ko.

Tamad lamang siyang tumingin sa akin.

"Nothing." Tipid na sagot nito.

Kumunot ang noo ko.

What- just he said?

"Nothing?" Ulit ko sa kanyang sinabi.

"Wala ka man lang pake?!" Kako ng pasigaw. Nagsisimula na namang magalit.

Kung wala siyang pake, ako meron!

Buhay ko ang nakataya rito! Buhay ko sa army!

"Can you lower your voice... please?" Aniya sa maamong tono. Tila pagod na pagod ito.

Napakagat ako sa aking labi.

This damn... jerk!

"Fine then. I'll just go with my plan without you knowing." Sagot ko.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Where stories live. Discover now