Kabanata 10

726 14 2
                                    

"You completed the mission within two days, as you said."

"The kid is now okay." Dagdag nito sabay tingin sakin.

"As I expected, from the Alpha Team." Ani General.

Tahimik lang ako at ng aking team habang nagsasalita siya sa harapan namin dito sa kanyang office. Sa kabila ay si Colonel Walker na nakangisi habang patango tango.

"Good job soldiers!" Si General at nakipagkamayan sa amin.

"Have a day off today. Dismissed." Aniya sabay upo. Sabay sabay naman kaming sumaludo kay General.

"Yes, Sir."

Naglalakad na kami papunta sa aming camp nang nagsalita si Maia.

"Uuwi ka?" Tanong nito sa akin nang tumabi.

Napabuntong hininga ako.

It's been four days and a half nang nakarating ako rito sa aming base pagkatapos ng aming mission. Halos isang linggo na ang kabuoan nang mawala ako simula natapos ang kasal.

Rinig ko pa kay Colonel Walker na nakailang missed calls at text messages na si Atlas sa aking phone.

May mga ilang missed calls rin si Aster.

Ayoko na sana umalis rito sa base, kahit ilang araw lang yan...

I want to live here like I used to.

Pero sabi parin ni Dad na kailangan 'kong umalis. Kahit na nakuha 'ko na ang gusto kong huwag umalis rito sa army.

Since I'm already married and had a husband.

But what for? Again, kasal lang naman ang kailangan nila para magkaisa ang aming company. Hindi pa ba sapat yun?

Kailangan ko pa ba umuwi? Sa nasabing bahay namin? Sa kanya?

Napabuntong hininga uli ako.

"Okay." Ani Maia sabay tango. Kunot ang noo kong napabaling sa kanya.

"Base sa reaksyon mo, alam ko na ang sagot." Aniya.

"Ayaw mong umuwi sa kung saan ang asawa mo. Pero wala kang choice." Paliwanag nito.

"Atleast, you're back. And just so you know we recently finished a mission." Ani Maia sabay kindat sakin tsaka niya ako inakbayan.

Napatango ako.

Pagkatapos nga ng aming mission ay nahuli na nga namin ang hostage-taker, samantalang nakuha at nakauwi naman ng maayos ang anak ng dating Vice-president ng bansa.

Napapikit ako nang maramdaman ang daloy ng tubig sa aking katawan. Tumingin ako sa salamin nang natapos akong maligo.

Napakagat ako sa aking labi nang maramdaman ang hapdi sa aking balikat.

Binaba ko ang roba at tumingin roon.

Kita ang pamunula nito. May mga ilang gasgas at sugat rin ako.

Napahinga ako nang malalim nang maalala ang labanan namin ng lalaking yun nong mission.
--

Pagkababa sa basement ay kaagad may umatake samin. Aakmang susuntok na sana ang isang lalaki sakin ng nakailag ako at binigyan siya ng tadyak at suntok pabalik.

Sa kabila ay nakikipaglaban din si Milo.

Dinagdagan ko pa ng suntok sa aking kalaban hanggang sa magdugo ang kanyang mukha. Kasabay ng pagbibigay ko ng highkick na siyang ikinatumba niya.

Hanggang sa itinulak ako ni Milo at nagsimula ang putukan sa kung saan.

Habol ko ang aking hininga.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Where stories live. Discover now