Kabanata 6

750 12 0
                                    

Lumipas ang mga ilang araw.

Tahimik parin ang mansion. Minsan lumalabas si General Aris papunta sa kung saan. Tsaka nalang umuuwi tuwing gabi. Si Atlas naman ay may ginagawa parin sa Air Force, kaya wala siya buong magdamag. Aster's still, not yet home.

Hapon na ngayon at nasa swimming pool kami nila Maia at Carson. Kumakain habang umiinom ng alak. Ineenjoy ang araw.

Tomorrow's the day.

Sa hapon ang kasal. Dito sa likod ng mansion magaganap, it's not bad though. The pool will be the accent. Malawak at malinis. The big trees are on both sides. At dito din masasaksihan ang sunset.

Kahapon naman ay naibigay na ang mga kakailanganin. The suits. The dresses. The gown. Lahat okay na.

Habang iniisip ang mangyayari bukas ay napailing nalang ako bago ininom ang alak sa hawak kong wine glass.

"Misis ka na bukas." Ani Maia habang kumakain sa gilid.

"Ninang ako kapag nagkataon ah?" Aniya sabay tawa.

"Ako rin ah?" Pahabol naman ni Carson bago siya tumayo para makaupo sa lounge. Tinignan ko tuloy sila ng masama.

Pagabi na nang umahon kami ni Maia. Si Carson ay nauna na sa loob. Tsaka nalang kami sumunod nang naramdaman ang ihip ng malamig na hangin.

Naalala ko tuloy sa Ohio.

Wala pa akong balita kay Dad. I'm sure tsaka ko nalang siya makikita bukas sa kasal.

Paakyat na kami ni Maia nang bumukas ang main door. Bumungad si Aster.

"Harper! Hi!" Aniya nang nakita ako sabay kaway. Ngitian ko siya bago kumaway pabalik.

"Kailan pa kayo nakauwi?" Aniya at binigay sa maid ang bitbit nitong bag. Tila pagod na pagod.

Binati niya rin si Maia nang napansin niya ito. Kumaway si Maia at nagpaalam nang mauuna nalang para makaligo. Tumango ako bilang sagot.

"Few days ago." Sagot ko kay Aster. Tumango tango siya.

"Where's Dad? And Atlas?" Aniya sabay kunot ang noo nang napansing tahimik ang bahay at tila kami kami lang ang nandito.

"Atlas's in the Air Force. While General Aris, I'm not sure." I answered.

Tinaasan ako ng kilay ni Aster.

"General Aris?" Aniya. Tila nagsusungit ito.

"Call him Dad now, Harper. C'mon!" Sambit nito. Napakagat ako sa aking labi.

"Bukas na ang wedding! Omg, I'm so excited!" Ngisi nito. Hindi ako umimik.

Napansin ni Aster ang aking katahimikan. Hanggang sa hinawakan niya ang aking kamay. Gulat akong napalingon sa kanya.

"I know what you are feeling." Tila malumanay siyang nakatingin sakin.

"Marrying someone you don't love in the first place...is kind of upsetting." Panimula niya.

"But I want you to know, that, you are going to be part of our family. At ganon din kami sa inyo." Aniya.

Family. Yeah. I know.

"Just...let me know, if you need anything." Dagdag nito.

Bumuntong hininga ako.

"Then...can you cancel the wedding?" Matapang na sagot ko.

Napakurap siya ng ilang segundo bago natawa.

"I'm serious." Kako sabay tingin muli sa kanya.

Napangiti lang siya.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Where stories live. Discover now