Kabanata 12

747 14 2
                                    

Nagising ako kinabukasan dahil sa sinag ng araw.

Ayos na ako pero ramdam ko parin ang sakit sa aking balikat. Bababa na sana ako sa aking kama nang napansin 'ko ang isang foam roon.

Hanggang sa naalala 'ko ang nangyari kagabi.

Atlas came here. He took out my shirt and saw my bruises. Dress me up. Then fed me.

Ilang segundo akong napakurap kurap sabay tingin muli sa nakalatag na foam dito sa sahig.

Natulog ba siya rito?

Nagkibit balikat nalang ako at binalewala nalang iyun tsaka bumaba na nga sa kama paalis papuntang kusina.

Iniisip ko na kung ano ang aking lulutuin dahil nakakaramdam na ako ng gutom nang napatigil ako dahil nakahanda na ng pang umagahan sa hapag kainan si Atlas.

"You awake." Aniya nang nakita ako.

"Good morning." Bati nito.

Napalabi ako at dahan dahang lumapit.

"Morning." Bati ko pabalik na halos pabulong.

"Let's eat." Aniya at iminuwestro ang upuan. Sumunod ako at umupo roon.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa nauna siyang nagsalita.

"How's your feeling?" He asked.

"Better." Tipid na sagot ko nang hindi siya tinitignan.

"How about your shoulder?" Tanong nito muli.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.

"Totally fine." I answered.

Seconds have passed. Hanggang sa narinig ko ang kanyang mabigat na buntong hininga.

"At least give me an honest answer, Harper. Ang taas ng lagnat mo kagabi." Sambit nito.

Napatigil ang mga kamay ko.

Kagabi.

"We should go to the nearest big hospital and double check your shoulder. Maybe-" Tila hindi ko na siya marinig dahil sa sinasabi nito.

Ngayon, may pake na naman siya?

I mean, yes it is understandable naman kung nag-aalala siya sa kondisyon ko bilang tao.

I just really thought that he just doesn't care.

At. All.

Lalo na sa akin.

Looking back from our past, nakakaramdam parin ako ng inis.

"Are you really that worried?" Hindi ko na napigilan at tinanong siya sabay tingin ng seryoso sa kanyang mukha.

Kumunot ang kanyang noo.

Tila nalilito siya sa aking tanong. Nagsisimulang mamuo ang galit sa kanyang mga mata.

"Of course, Harper. You're my wife for pete's sake!" Sagot nito habang nakatitig sa akin.

"Paano pag hindi mo ako asawa?" I asked again. Tila nanghahamon ako ng away.

He sighed deeply.

Bago siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.

"I thought you really didn't care at all. Specially before our wedding. Or before that." Sambit ko at pinagpatuloy ang kumain.

Tinutukoy ang nangyari noong nakaraan namin.

Hindi siya nakapagpigil at tumayo. Aakmang aalis na sana siya nang humarap ito sa akin.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon