Kabanata 9

733 15 0
                                    

Habol ko ang aking hininga nang nakarating sa pampang. Lumingon ako at kakaahon lang nila Eliot at Milo sa malayo.

Si Maia naman ay tinitignan at inaayos na ang hawak nitong sniper rifle sa tabi ng malaking bato. Tila kanina pa siya nakaahon kasama si Keegan na inaayos ang dala nitong water proof bag.

Lumapit ako sa kanila habang hinihintay namin sina Eliot at Milo. Napatingin ako sa paligid.

Tahimik.

Tanging ang daloy ng alon lang ang maririnig rito.

"You good?" Kako kila Milo at Eliot nang nakalapit. Tumango tango lang sila.

Napatingin ako sa mga nagtataasang kakahuyan papasok sa nasabing ware house.

"We need to find a good spot." Sambit ko.

"Let's go." Tsaka kami tumungo roon.

Tahimik lang kaming naglalakad takbo papasok sa area. Nagtingin kami ng maaring magandang spot para matingnan kung ano ang lagay sa ware house.

Naningkit ang mga mata ko habang inoobserbahan ang paligid.

Umakyat si Maia sa isang malaking puno. Halos hindi ko na siya makita nang mas umakyat pa ito sa pinakataas niya.

Umakyat rin si Eliot sa isang puno di malayo kay Maia. Habang kami nila Keegan at Milo ay nasa ibaba.

"I see them." Rinig kong sambit ni Maia sa aking ear piece. Rinig ko rin ang pag adjust ng kanyang baril.

"How many of them?" I asked.

"Seventeen on the outside." Aniya.

"How about on the inside?"

Ilang segundo bago nakasagot si Maia.

"Can't count." Sagot nito.

"Ilang maliliit na windows lang ang meron." Dagdag niya.

Napatingin ako sa gawi ni Eliot.

"Wolf, we need eyes." Kako. Tinutukoy si Eliot.

"Coming right up." Aniya at sinimulang paganahin ang dalang drone.

"Snoopy, go and check the perimeter." Utos ko kay Milo.

"Come with me, Hunter." Sambit ko kay Keegan at tahimik na umalis para makatingin ng ibang spot.

May isang tower malayo sa ware house. Tahimik lang kami ni Keegan na umakyat doon.

Nang nakakita ng magandang spot ay umayos kami ng posisyon. Nagmamanman.

"All clear, Pistol." Sambit ni Milo sa kabila, rinig ang kanyang paghinga. Tila nagjo jogging ito. Siguro'y pabalik na kung nasaan sila Maia.

"Wolf?" Tawag ko kay Eliot.

"Still counting." Aniya.

Naghintay pa 'ko ng ilang segundo bago siya nagsalita.

"There's only six of them on the inside, Pistol." Sagot ni Eliot.

"Weird." Bulong nito na rinig naman namin.

"What's weird?" Taka kong tanong.

"I don't see the kid." Dagdag nito na siyang ikinabilog ng mga mata 'ko. Nagkatinginan pa kami ni Keegan dahil sa gulat.

"No way." Si Maia.

"Is there any secret room?" Pagtataka ko at sinubukang tignan mula sa telescope.

Pero mga nakaarmadong lalaki na nasa labas lang ang naroroon. May dalawa sa loob na lumabas rin.

"I thought he's here?" Kako. Nagsisimulang mainis.

The Cold Forest In Idaho (Army Series #1)Where stories live. Discover now