PROLOGUE

150K 4.6K 611
                                    


Expect some grammatically errors and typographical errors. Thank you.

************

    "Anak, tuparin mo ang kahilingan namin ng Daddy mo." Pakiusap ni Mommy na nakaratay sa Hospital bed.

Parehas na may cancer sa lungs ang Mommy at Daddy ko. 3 months na lang daw ang itatagal nila sabi ng Doctor.

At gusto nila bago sila mawala ay makita nila ang tatlo kong Step Brother na magkakasundo muli. Pero paano ko gagawin yun kung galit rin sa akin ang tatlo?

"Nakikiusap ako Anak," sabi ni Dad, dahilan para mapaluha ako.

"Sige po, gagawin ko po pero pakiusap ko lang po. Lumaban kayo- hintayin niyo kami nila Kuya," umiiyak kong sambit at parehas silang hinalikan sa noo.

Para kila Mom at Dad kailangan kong mag aral sa Eskwelahan ng mga Mafia kung saan nag aaral ang mga Kuya kong magkakagalit.

"Gagawin ko po iyon basta po ipangako niyo na hindi niyo ako iiwan." Pinunasan ko ang mga luha ko at nginitian sila.

"Pangako Anak..." sabi ni Mommy.

"Sige na po, magpahinga na po kayo." Inayos ko ang kumot nila. "Uuwi po muna ako ah? Mag aayos lang ako. Basta po babalik ako okay? Huwag niyo na pong tatanggihan ang gamot."
Ngumiti lang sila pareho

Hinalikan ko naman sila sa noo bago lumabas ng Hospital room nila. Napahinga na lang ako ng malalim nang makalabas ako. Sana ay gumaling na sila para hindi mabigat lagi ang kalooban ko. Naaawa ako kila Mommy tuwing makikita ko silang nahihirapang huminga

Bakit kasi sa kanila pa iyon nangyari? Ang hirap na makitang nasa ganoon silang sitwasyon.

Lumabas ako ng Hospital at pumara ng taxi. Kailanganan ko pang mag ayos dahil ang alam ko ay mag-do-dorm ako doon sa school nila Kuya. Sana ay hindi ako gaanong mahirapan na maayos silang Tatlo. Ang pa-pride din kasi nilang tatlo, mga attitude, pero sure naman akong may itinatago silang bait.
Napangiti na lang ako ng mapait bago tumingin sa bintana ng taxi.

Pag-aayus-ayusin ko sila kahit na kami ay hindi ayos ayos. Paano ako makikitungo sa kanila kung hindi man lang nila ako itinuring na kapatid...... Sana maging maayos lang ako doon..

A/N: FORDA, NIRE-REVISE NI MISS A, NIYO,  ANG SOM

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon