CHAPTER 58

52.3K 3.1K 235
                                    


SAPHIRA REYN FERRER


          HABANG tumatagal ako sa paaralang ito, nasasanay na ako sa mga nangyayari at unti unti ko nang natututunan ang buhay bilang isang Mafia.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Milo nang tumayo ako.

"Magbabanyo," sagot ko. "Wag ka nang bumuntot dahil hindi na kailangan."

Tumango lang ito kaya dire diretso akong lumabas. Dumiretso ako sa C.R at pumasok sa isang cubicle. Pagkatapos kong magbawas ay lumabas na ako. Natigilan ako nang madatnan sa labas si Tita Rachelle.

"Tita.." Nilapitan ko ito.

"May pinaplano silang hindi maganda," mahinang sabi nito. "Saphira, darating si Kiego Lacoste. Kailangan niyong mag ingat dahil siguradong may hindi magandang mangyayari."

Kiego Lacoste? Pakiramdam ko ay narinig kona ang pangalan na yun.

"Sino po si Kiego Lacoste?" tanong ko.

"Isa siya sa mga delikadong Mafia Leader," sagot nito. "Saphira, ikaw na ang bahala sa tatlo mong kapatid. Sana ay hindi mo sila sukuan kahit ano pa man ang mangyari."

"Tita, magpakita ka po kaya sa kanila?" Hinawakan ko ang kamay niya. "Tita, alam mo kung gaano sila nasaktan nung nawala ka. Siguradong magiging masaya sila kapag nakita ka nila ngayon. Tita, ipaliwanag mo po sa kanila ang mga nangyayari."

"Gugulo ang lahat kapag ginawa ko yun," sagot nito at napahinga nang malalim. "Hindi na ako magtatagal, Saphira. Basta palagi mong ingatan ang mga kapatid mo."

Magsasalita pa sana ako pero mabilis na itong umalis. Napatingin naman ako sa sarili ko mula sa salamin. Bakit pakiramdam ko, may mga bagay na mangyayari?

Napailing na lamang ako bago bumalik sa classroom. Si Milo na lang ang nadatnan ko doon.

"Ang tagal mo," sabi nito. "Nasa canteen na silang lahat. Nagpaiwan ako para may kasabay ka."

"Ano ako? Bata?" Napairap na lang ako.

"Sa susunod na titirik 'yang mga mata mo, nasa kwarto na tayo," nakangising sabi nito at inakbayan ako. "Tara na sa cafe, baka bigla kong gawin yung mga naiisip ko."

"Isusumbong kita kay Kuya Sebastian," sabi ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Nang makarating kami sa cafe ay nadatnan namin silang nakaupo at nagsisimula nang kumain. Bumili kami ni Milo ng pagkain namin bago kami lumapit sa kanila.

"Ang tagal niyo," sabi ni Kuya Sebastian.

"Sorry," nasabi kona lang.

Habang kumakagat sa burger ay napatingin na lang ako sa tatlo kong kapatid na nagtatawanan. Kung makikita lang siguro ni Tita kung gaano magkakasundo ang mga Anak niya ngayon, siguradong magiging masaya siya.

"May problema ba?" tanong ni Kuya Sawyer. "Why are you looking at us?"

Napailing ako. "Para pala kayong mga kambal. Kung hindi lang magkakaiba ang kulay ng mga buhok niyo ay mapagkakamalan kong Triplets kayong tatlo."

School of Mafias [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon